Piolo pinagso-sorry, ina ng batang ipinost sa instagram galit na galit | Bandera

Piolo pinagso-sorry, ina ng batang ipinost sa instagram galit na galit

Ambet Nabus |February 28,2015
facebook
share this

Piolo pinagso-sorry, ina ng batang ipinost sa instagram galit na galit

Ambet Nabus - February 28, 2015 - 03:00 AM

PIOLO PASCUAL

PIOLO PASCUAL

Ayaw muna naming sumang-ayon sa panawagan ng isang ina kay papa Piolo Pascual na diumano’y nalagay sa alanganin ang reputasyon at imahe ng kanyang anak, matapos na sagutin ng una ang pambabastos nito sa aktor-host by calling him names.

Ang naka-post kasing picture ng isang babae du’n ay may kasamang batang babae din na inakala nga ni Papa P (at ng marami, including us) na anak nu’ng nakasagutan nitong basher.

Pero kaanak lang pala daw nu’ng girl na basher ang batang babae at ito ngang tunay na ina na nag-complain ay nag-demand pa ng public apology mula sa aktor dahil namantsahan daw ang imahe ng anak niya?

Nakakaloka, di ba? Mas una pa niyang hiningi ang public apology ni Piolo sa kagaspangan ng kanyang kamag-anak, kesa ituwid na hindi anak nu’ng bastos niyang kapamilya ang kasama nito sa larawang ipinost ni Piolo sa Instagram.

While we believe that she is just doing her part as a doting mother to her child, she should have rectified the picture’s entry first at siguro ay pinagsabihan ang kanyang kaanak dahil na-drag sa iskandalo ang walang malay niyang anak na nataong nakasama sa picture nu’ng basher when she said what she thought was her opinion on Papa Piolo’s gender?

Unahin mo munang pangaralan ang kaanak mo bago mo resbakan si Papa Piolo. Now let’s talk about what this “nanay” said on US-Children’s Online Privacy Protection Rule (COPPA)?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending