Piolo rumesbak sa basher, idinamay ang bata; public apology hirit ng ina | Bandera

Piolo rumesbak sa basher, idinamay ang bata; public apology hirit ng ina

|February 27,2015
facebook
share this

Piolo rumesbak sa basher, idinamay ang bata; public apology hirit ng ina

- February 27, 2015 - 07:08 PM

PUBLIC apology ang hiling ng isang nanay kay Piolo Pascual nang magtaray ang aktor sa social media at nandamay umano ng isang batang babae.

Ayon sa ina, nalagay sa alanganin ang reputasyon at imahe ng bata matapos i-post ni Piolo ang larawan ng anak kasama ang isang kaanak na una nang nag-bash sa aktor at tumawag sa kanya na “bakla.”

Matatandaan na di napigilan ni Piolo ang pagpatol sa isang Instagram user matapos sabihan siyang “bakla”.

Sinabi ng aktor may nakuha siyang impormasyon tungkol sa pagkatao ng basher kasabay nang pagpo-post nito ng isang photo collage kung saan makikita ang iba’t ibang litrato ng kanyang basher na si @joydagz7252009 – na may kasama pang batang babae.

Nilagyan ito ni Piolo ng caption na: “I hope your daughter (if she is) grows up to be a respectful person.” Pero agad din binura ito ng aktor.

Napag-alaman na hindi rin anak ng basher ang bata kundi kaanak lang, kung kayat lalong nag-init ang ulo ng ina ng bagets kaya humihingi ito ng public apology sa aktor.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending