Horoscope, February 27, 2015 | Bandera

Horoscope, February 27, 2015

Madam Sophia |February 27,2015
facebook
share this

Horoscope, February 27, 2015

Madam Sophia - February 27, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: May lihim na naiingit sa iyo, wag silang pansinin upang hindi masira ang araw mo! Sa pinansiyal, ituloy mo lang ang pagpapayaman. Sa pag-ibig, iniintriiga ka nila dahil mas maganda at mas okey ka kaysa sa kanila. Mapalad ang 3, 4, 12, 21, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Dosya-Om.” Violet at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—May babala ng karamdaman. Uminom ng maraming tubig at regular na mag-ehersisyo. Bumili ng bagong bike at magbisikleta tuwing umaga. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 44 at 48. At laging bigkasin ang mahiwaga mong mantra: “Every day, in every way, I am getting better and better!” Pink at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ipagpaliban ang anomang pagbabago! Manatili sa kasalukuyang pinagkakakitaan. Sa pag-ibig, hindi dapat ikonsedera ang maling advice ng mga kaibigan, wag makipag-hiwalay sa kasuyong mapera. Mapalad ang 6, 12, 23, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Umiwas sa pakikipagtalo, may isang nilalang na mainitin ang ulo ang magpapahamak sa iyo. Sa mga walang kibong nilalang ay kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, piliin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Aum.” Orange at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—May darating na magandang oportunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Capricorn. Wag ka nang umarte-arte pa – sunggaban mo agad! Mapalad ang 2, 11, 29, 35, 39, at 47. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Aum.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansyal sa buwan ng Marso at Abril ay magiging magaang ang dating ng pera. Sa pag-ibig, ipatupad ang matagal ng planong mag-honeymoon sa Palawan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Yellow at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Makuntento sa kasalukuyang karelasyon. Sa susunod na buwan, sisiglang muli ang aspetong pang-sexual. Sa career, ipagpasalamat ang kasalukuyang hanapbuhay, wag nang maghangad ng mas mataas na posisyon. Mahiwaga mong mantra: “Better to want what you have than to have what you want.” Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42 at 45. Red at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Ang tapat at dalisay na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Est-Aum” Pink at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Dahan-dahan lang! Hindi lahat ay nakukuha sa bilis. Sa pinsansiyal, matutong maghintay. Sa pag-ibig, wag kulitin ang kasuyo, hayaan mo siyang kusang bumigay. Mapalad ang 7, 13, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Purple at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Konsentrasyon ang dapat! Itutok ang isipan sa pagkakamal ng maraming salapi at maligayang pamilya. Sa pag-ibig, may masarap na romansa kung itutuon ang iyong pagmamahal sa iisang kasuyo lamang. Mapalad ang 3, 12, 27, 38, 41 at 44. Mahiwag mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Blue at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag gumawa ng maling bagay na makakasakit sa damdamin ng iba. Hangga’t makakaya pa iwasan ang mga imoral na relasyon. Sa pinansiyal, tandaan na “Costumer is always right,” upang lalong dumami ang benta. Mapalad mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Yoga.” Yellow at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Umalis muna sa sinilangang bayan upang makaiwas sa intriga. Sa malayong pook ay yayaman ka. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat ay mami-meet mo ang iyong true love. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Maroon at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kung lagi kang nagbibigay, darating ang araw na ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng maraming biyaya. Sa pag-ibig, baluntaryong ibigay sa kasuyo ang matagal nya nang hinihingi – pera at masarap na romansa. Mapalad ang 2, 25, 28, 32, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Green at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending