Rayver Cruz umamin na sa relasyon nila ni Julia Barretto | Bandera

Rayver Cruz umamin na sa relasyon nila ni Julia Barretto

Ervin Santiago |February 27,2015
facebook
share this

Rayver Cruz umamin na sa relasyon nila ni Julia Barretto

Ervin Santiago - February 27, 2015 - 03:00 AM

RAYVER CRUZ AT JULIA BARRETTO

RAYVER CRUZ AT JULIA BARRETTO

Nagsalita na sa wakas ang Kapamilya dancer-actor na si Rayver Cruz tungkol sa pagkaka-link sa kanya ng teen actress na si Julia Barretto.

Sa thanksgiving presscon ng Primetime Bida series na Two Wives na pinagbibidahan nina Jason Abalos, Erich Gonzales at Kaye Abad, sinabi ni Rayver na walang malisya ang friendship nila ni Julia.

“Walang real score. Kapag napag-uusapan namin ni Julia, natatawa lang kami kasi super close ako sa family niya. After ng London Barrio Fiesta naging close ako sa kanya at sa mama (Marjorie Barretto) niya. Tapos pagbalik namin ay naging close ako sa buong family niya,” esplika ng binata.

“Natutuwa ako na nagkaroon ako ng second family kasama sila. Hindi ko in-expect ‘yon kasi mga Barrettos, pero sobrang saya nila kasama. Natatawa na lang kami kasi parang kailan lang may nag-tweet sa akin ‘dating daw’ eh ‘yung picture na ‘yun kinunan kaming dalawa lang pero kasama namin ‘yung buong family,” dugtong pa ni Rayver na tumatak din agad ang karakter sa Two Wives kahit sa gitna na ng serye siya pumasok.

Nakiusap naman si Rayver na sana ay itigil na ang pagbibigay ng malisya sa relasyon nila ni Julia dahil nahihiya rin siya sa dalaga at sa pamilya nito.

“Sa ngayon tigilan niyo na si Julia. Hindi kami exclusively dating. Parang nakakatawa lang kasi sobrang close ako sa kanila, nakakahiya naman sa kanila huwag na nating ipilit,” aniya pa.

“Yes, I find her very attractive. Sinasabi ko naman sa kanya sa harapan niya, sino ba namang tao ang hindi magkakagusto sa kanya magkaka-crush pero at this point in time parang ang dami pa niyang pwedeng gawin. Ewan ko kung gusto niyang mag-ano (entertain) ng suitors niya imposible namang walang nanliligaw sa kanya? Pero sa ngayon kasi I’m happy na super close ako sa kanya, magkaibigan kami,” hirit pa ni Rayver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending