Pacman: Gusto kong patunayan sa buong mundo...I'm not lying! | Bandera

Pacman: Gusto kong patunayan sa buong mundo…I’m not lying!

Ambet Nabus |February 23,2015
facebook
share this

Pacman: Gusto kong patunayan sa buong mundo…I’m not lying!

Ambet Nabus - February 23, 2015 - 02:00 AM

manny pacman
Hayan na at ini-anunsyo na rin ni Cong. Manny Pacquiao ang nalalapit nilang laban ni Floyd Mayweather. Tuloy na tuloy na bakbakang inaabangan ng buong mundo.

Ayon sa social media post ni Pacman, pumirma na ng kontrata si Mayweather sa itinakda nilang May 2 fight kaya’t sa mga nag-aakusa sa kanyang siya’y nagsisinungaling lang o gumigimik, sey ng mahusay nating boksingero, “I’m just explaining to the fans and to prove that I’m not lying.”

Parang napakalapit na ng May 2. Pihadong matinding paghahanda ang gagawin ng parehong kampo dahil ito na nga ang hinihintay ng buong mundo na most exciting boxing bout sa henerasyon natin.

Ang tsismis ay pumepresyo ng limang libong dolyar ang halaga ng isang ticket para makapanood ng naturang laban ng dalawang palabang boksingero. For all its worth…talaga namang history in the making ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending