Nash Aguas: Sa panahon natin ngayon maraming tukso! | Bandera

Nash Aguas: Sa panahon natin ngayon maraming tukso!

Ervin Santiago |February 03,2015
facebook
share this

Nash Aguas: Sa panahon natin ngayon maraming tukso!

Ervin Santiago - February 03, 2015 - 03:00 AM

nash aguas
PERSONAL na isinusulong ng Bagito lead star na si Nash Aguas ang kahalagahan ng tamang paggabay sa mga kapwa niya kabataan at umaasa siya na sa pamamagitan ng online forum nila na “Bagito Hangout” ay makatutulong ang kanilang programa sa mga batang manonood.

“Para sa mga kabataang gaya ko na mas madalas na nakatutok sa Internet at social media, malaking bagay na may ‘Bagito Hangout’ na pwedeng lapitan at hingan ng payo.

“Dahil sa panahon namin ngayon marami nang tukso at masasamang impluwensiya na posibleng ikasira ng aming buhay,” pahayag ni Nash kaugnay ng online forum na bukas din para sa mga magulang na nag-aalala sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Ang “Bagito Hangout” ay ang inilunsad na online forum ng ABS-CBN at Center for Family Ministries (CeFaM) bilang tugon sa mga nangangailangan ng gabay kaugnay ng iba’t ibang problema sa pamilya, pakikipagkaibigan at pakikipagrelasyon.

Maaaring magpadala ng mga katanungan ang viewers sa mga counselor ng CeFaM sa https://bagito.abs-cbn.com/hangout,  Lunes hanggang Biyernes, mula 6:30 p.m. hanggang 7:30 p.m..

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na tagpo sa teleseryeng magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan, Bagito, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending