Umuupak kay Noynoy pinersonal ni Kris | Bandera

Umuupak kay Noynoy pinersonal ni Kris

Ervin Santiago |February 02,2015
facebook
share this

Umuupak kay Noynoy pinersonal ni Kris

Ervin Santiago - February 02, 2015 - 06:17 PM

judy ann santos
PINERSONAL daw ni Kris Aquino ang ilang kilalang celebrities na tumitira kay Pangulong Noynoy Aquino. Kumalat sa social media ang balitang in-unfollow ng TV host sina Judy Ann Santos at Regine Velasquez sa Instagram.

Ito’y matapos ngang mag-post ng kani-kanilang sentimyento sina Juday at Regine sa Instagram tungkol sa pagwawalang-bahala ni P-Noy sa 44 pulis na napatay sa isang engkwentro sa Maguindanao.

Ayon sa chika, hindi nagustuhan ni Kris ang ginawang pakikisawsaw ni Juday sa isyu kay Noynoy kaya agad niya itong in-unfollow sa IG. Sey ng mga followers ni Juday hindi na nila nakikita ngayon ang misis ni Ryan Agoncillo sa mga local celebrities na pina-follow ni Kris.

Lumabas din ito sa official Facebook fan page ni Juday na may bonus pang tanong na, “What your reactions judinians lalo na unfollow ni @beingkrisaquino si queen @officialjuday sa instagram.”

Bukod dito, kumalat din sa social media na pati sina Regine at Ogie Alcasid ay in-unfollow din ni Kris after nitong mag-post ng mensahe laban kay P-Noy.

May ilang netizens naman na nag-suggest sa mommy ni Bimby na makipag-ayos na kina Juday, Regine at Ogie dahil mas lalo lang siyang madidiin sa isyu.

Sinagot naman ni Kris ang ilan sa mga followers niya sa IG. Sey ng TV host, nakipag-communicate na siya kay Ogie at nag-sorry dahil na-misinterpret niya ang ilang quote na naka-tag sa kanya na galing sa mag-asawa.

Sey ni Kris kay Ogie, “I said nadala na ‘ko ng sobrang sakit. And I extended my sorry to mi idol @reginevalcasid.”
Pero napansin ng netizens na kina Ogie at Regine lang humingi ng pasensiya si Kris, dinedma pa rin nito si Juday.

Tuloy naman ang pagdedepensa ni Kris sa kanyang kapatid na pangulo sa kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanilang pamilya.Sagot nga nito sa isang basher, “You know me.

Lahat ng atake I trained myself to ignore, but when my brother’s life is threatened a line is crossed that I will stand up to defend.”
Hirit pa nito, “You want someone to hate & now it is my brother.

Kung nandun siya tapos after photo-op wala na, would that have suited you? Hindi siya EPAL, trust me—I wish sometimes umepal na lang siya, pero hindi siya ganu’n.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, dinenay ni Kris na binastos si P-Noy ng mga pamilya at kaanak ng mga nasawing SAF members nang nagtungo ito sa Camp Bagong Diwa para makiramay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending