Charo Santos: Kahit kailan di nawala ang pagmamahal ko sa media! | Bandera

Charo Santos: Kahit kailan di nawala ang pagmamahal ko sa media!

Ervin Santiago |February 02,2015
facebook
share this

Charo Santos: Kahit kailan di nawala ang pagmamahal ko sa media!

Ervin Santiago - February 02, 2015 - 03:00 AM

charo santos
Ginawaran kamakailan si ABS-CBN president at chief executive officer Charo Santos-Concio ng Fleur-de-lis Award, ang pinakamataas na pagkilala para sa mga natatanging alumni ng St. Paul University Manila.

Ayon sa pangulo ng St. Paul University Manila na si Sister Ma. Evangeline Anastacio, binigyan ng parangal si Charo Santos dahil sa kanyang tagumpay at malaking kontribusyon sa larangan ng telebisyon at walang maliw na suporta sa kanyang alma mater.

“Inspirasyon si Charo para sa mga kapwa niya Paulinian dahil sa hindi matatawaran niyang kahusayan sa kanyang larangan at ang dedikasyong lumikha ng mas makabuluhang mga drama at public service program sa telebisyon,” pahayag ni Sis. Evangeline tungkol kay Charo, na nagtapos ng kursong communication arts, cum laude sa St. Paul University Manila.

Kuwento naman ng dating aktres at producer, habang nag-aaral siya noon sa St. Paul ay isinasabay niya ang pagtatrabaho bilang part-time bilang voice talent at host sa isang noontime show sa radyo.

“Kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa media. Noong nag-aaral ako, naisip kong kaya kong maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng media,” sabi ni Charo.

Dugtong pa nito, “Sa ABS-CBN, ginagawa ko ang mahal kong gawin—ang magbahagi ng mga kwentong nagbibigay sa mga tao ng inspirasyon, kaalaman at pag-asa.”

Nanalo rin si Charo ng tatlong international awards noong 2014 dahil sa kanyang epektibong pamamahala bilang president at CEO ng pinakamalaking multimedia conglomerate sa bansa.

Iginawad kay Charo ang Gold Stevie Award sa kategoryang Female Executive of the Year in Asia, Australia or New Zealand sa prestihiyosong Stevie Awards for Women in Business; Gold Stevie Award para sa Woman of the Year category para sa lahat ng mga bansa sa Asia-Pacific (maliban sa Australia at South Korea) sa 2014 Asia-Pacific Stevie Awards; at pinangalanan din siyang Asian Media Woman of the Year ng ContentAsia, isang nangungunang publication na pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific.

Itinalagang CEO ng ABS-CBN si Charo noong Enero 2013. Bago nito ay nagsilbi siyang president at chief operating officer mula 2008. Naging head of Channel 2 Mega Manila Management si Charo noong 2007 at kumuha ng Advanced Management Program sa Harvard Business School sa parehong taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending