Sharon, Kc natakot gawin ang life story ng mag-inang Janet at Jeane Napoles | Bandera

Sharon, Kc natakot gawin ang life story ng mag-inang Janet at Jeane Napoles

Ervin Santiago |February 02,2015
facebook
share this

Sharon, Kc natakot gawin ang life story ng mag-inang Janet at Jeane Napoles

Ervin Santiago - February 02, 2015 - 03:00 AM

sharon cuneta
KUMALAT sa social media ang balita na si Sharon Cuneta ang napili ng isang producer na  gaganap bilang si Janet Lim Napoles sa isasapelikulang life story ng tinaguriang pork barrel queen.

Ayon sa chika, ito raw ang magiging comeback movie ng Megastar matapos matengga ng ilang taon sa paggawa ng pelikula. Base sa nabasa naming mga komento mula sa netizens, magandang comeback vehicle ito para kay Mega at siguradong pag-uusapan ito sa buong mundo.

Bukod dito, kumalat din ang balitang umoo na rin daw si KC na makasama sa nasabing pelikula ang kanyang Mega mom – ang rumored girlfriend daw kasi ni Paulo Avelino ang napiling gumanap bilang anak ni Janet Napoles na si Jeane Napoles.

May nagsabi naman na tinanggihan na raw ito ni Sharon dahil ayaw niyang mapolitika. Pero nang makarating nga ang chikang ito kay Mega, mukhang naalarma ang TV host-actress kaya agad siyang nag-post ng mensahe sa kanyang Facebook account para linawin ang balita.

“Why is there a rumor going around that my comeback movie will be based on the Janet Lim Napoles story, and with KC playing the role of her daughter?” ayon kay Mega.

Dugtong pa niya, “No one has spoken to me about this, and so it is totally untrue. I already have a comeback project waiting, and with a company that has my full trust and respect.”

O, ayan, malinaw na ha! Isang malaking kasinungalingan na si Sharon ang bibida sa Janet Napoles life story. Anyway, agree kami na isang pasabog sana sa pagbabalik ni Sharon ang nasabing proyekto at sigurado kami na tatabo ito sa takilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending