Kris matagal nang walang lalaki sa buhay kaya mainitin ang ulo | Bandera

Kris matagal nang walang lalaki sa buhay kaya mainitin ang ulo

Cristy Fermin |February 02,2015
facebook
share this

Kris matagal nang walang lalaki sa buhay kaya mainitin ang ulo

Cristy Fermin - February 02, 2015 - 03:00 AM

kris aquno
Si Ms. Patola. Ganu’n ang tawag ngayon ng mga becki kay Kris Aquino dahil sa madalas na pagpatol ng aktres-TV host sa mga bashers niya.

Sunud-sunod na kasi ang pagpatol ni Kris sa mga kumokontra sa kanya sa social media, halatadong iniinis siya, patol naman nang patol si Kristeta.

“Malungkot talaga si Kris ngayon, zero nga siguro ang lovelife niya, mainisin kasi siya ngayon. Siya na rin ang nagsabi na ang taong maligaya raw, e, very positive ang tingin sa mundo, di ba?

“So, dahil negative ang dating niya ngayon sa pagpatol sa mga detractors niya, ang ibig sabihin, e, wala nga siyang lovelife ngayon, malungkot siya,” pagpansin ng isang professor naming kaibigan.

Una ay ipinagtanggol niya si Bimby nang sabihan ng “toyab” na binaligtad na bayot ng isang kababayan natin ang kanyang anak. Meron pa siyang resbak na sinabi, halatadong galit si Kris, dahil salitang-kanto na ang terminong ginamit niya.

Ngayon naman ay ang kawalan ng puso ng kanyang kapatid na pangulo sa SAF-44 ang isinusumbat sa kanya, damay siya sa galit ng bayan sa kanyang utol, pinatulan din niya ‘yun.

Huwag na raw sanang patulan pa ni Kris ang mga taong walang magawa sa buhay, deadma na lang siya du’n, dahil siya ang napipintasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending