Jennylyn: Uunahin ko muna ang anak at trabaho ko bago lalaki! | Bandera

Jennylyn: Uunahin ko muna ang anak at trabaho ko bago lalaki!

Ervin Santiago |February 02,2015
facebook
share this

Jennylyn: Uunahin ko muna ang anak at trabaho ko bago lalaki!

Ervin Santiago - February 02, 2015 - 03:00 AM

jennylyn mercado
Bakit nga ba hindi mamatay-matay ang balitang nagkabalikan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo? Marami pa rin kasi ang nagtatanong sa amin kung totoong palihim na nagkikita ang dalawa sa isang lugar na paborito nilang puntahan noong magdyowa pa sila.

Bukod dito, marami ang nakakapansin sa kakaibang glow ngayon sa mukha ni Jen, kaya feeling nila, may lovelife na naman ang Kapuso actress kahit na lagi itong nagdedenay sa estado ng kanyang puso.

Sa huling interview nga namin sa singer-actress, talaga raw magkaibigan na lang sila ni Dennis, pero totoong nagkikita sila minsan sa gym kung saan nagte-training din sila para sa sasalihan nilang sports activities this year, kabilang na ang triathlon.
“Nagkakasama lang talaga kami sa training. Yun lang yun,” aniya. “Sabi ko nga, ayoko pang ma-in love ngayon kahit kanino. Uunahin ko muna ngayon ang sarili ko, ang anak ko at ang trabaho ko,” chika pa ng leading lady ni Raymart Santiago sa GMA Telebabad series na Second Chances.

Samantala, sa lahat ng tumututok sa nasabing serye, narito ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng kwento.
Suntukan sina Bernard (Raymart) at Jerome (Rafael Rosell).

Pipigilan sila ng guard sa bahay ni Lyra (Jennylyn Mercado). Bernard leaves. Aalis na rin si Jerome, inis, pikon.
Makakarating si Bernard sa bahay niya.

Lalo siyang mapipikon nang salubungin siya ni Colleen (Chynna Ortaleza) at kulit-kulitin pa tungkol sa nangyari sa kanya. In the end, masasabi ni Bernard na si Jerome na kaibigan ni Lyra ang may gawa ng pasa niya.

Agad namang sinugod ni Colleen si Lyra sa Vet Clinic at sinabihang layuan na si Bernard. Lyra, upon learning what happened, calls Jerome. Gusto raw niya itong makita.

Jerome thinks na positive sign ito nang pag-grow ng relationship nila. Pero nang magkaharap sila ni Lyra, Lyra tells him na alam na nito ang nangyari.

Inis si Jerome dahil akala niya si Bernard na ang pinipili ni Lyra but Lyra insists na wala siyang pinipili. Wala pa siyang panahon para sa love.

Pero ngayong gabi na mangyayari ang halikan nina Jen at Raymart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending