Horoscope, February 02, 2015 | Bandera

Horoscope, February 02, 2015

Madam Sophia |February 02,2015
facebook
share this

Horoscope, February 02, 2015

Madam Sophia - February 02, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lakas ng loob bang kailangan para umunlad. Sa salapi, hindi kailangang mabahiran ng takot ang pag hahangad mo na yumaman. Sa pag-ibig sa pamamagitan ng lakas ng loob muling magiging maligaya ang relasyon sa isang Libra. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kirata-Pulkasa-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito ng 2015 mag-isip munang mabuti bago mag-invest ng malaking halaga. Sa pag-ibig, iwasang manaig ang immoral na relasyon upang hindi mapahamak. Mapalad ang 3, 17, 27, 38, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Pink at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal, hindi palakihan ng suweldo ang labanan, kundi paramihan ng ipon. Sa pag-ibig kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sa taong ito ng 2015 iwasang makipag-tsismisan, kailangan ang pagkilos upang umunlad. Sa pag-ibig, giniginaw ang minamahal, mamayang gabi yakapin siya. Mapalad ang 5, 14, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Visnu-Om.” Gold at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprioridad. Sa pag-ibig, hindi dapat sundin ang mga maling pinapagawa ng kasuyo. Mapalad ang 2, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Upang suwertehin tiyaking ang bintana ng inyong bahay ay nakaharap sa silangan. Sa ganyang paraan, mabilis na papasok ang pera at sa pag-ibig, maligayang pagmamahalan ang mananahan sa pamilya. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sa taong 2015 ang silver na alahas ang aakit ng buenas. Sa pag-ibig, susuwertehin ka sa isang matabang babae na medyo pandak. Kung ikaw ay babae, susuwertehin ka sa isang lalaking payat. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 37, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Artam-Om.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—May babala ng karamdaman. Makinig ng paborito musika upang umaliwalas ang pakiramdam. Isa-isang magbabalik sa ala-ala ang masasayang lumipas. Sa pinansyal aangat ang income habang payapa ang isipan. Mapalad ang 6, 18, 27, 30, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Aum-Manu-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal. Sa pinansiyal, iwasang magpabago-bago ng pasya upang wag masira ang kontrata. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ang tinitibok ng puso ang sa yo ay magpapaligaya. Maghanap ng taong mabait na may pinag-aralan, siya ang ibigin mo. Tandaang kapag ang puso’y nagmamahal, kusang maaakit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Violet at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansiyal, singilin ng mahigpit ang mga taong sayo ay may pagkakautang. Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, habang nagsusungit ka, lalo kang gumaganda? Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 39 at 489. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mayena-Patrena-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Alalahanin mong hindi makakapagdagdag ng income ang lihim na sama ng loob, ngayon na patawarin ang sa iyo ay may mga kasalanan. Sa pag-ibig, kung sino ang iyong kinaiinisan, siya pa ang unti-unting mapapamahal sayo. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Param-Prana-Prisada-Om.” Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kulang ka sa libido! Lagyan ng libog ang anomang ginagawa. Sa pananalapi, lagya ng lambing ang pag-aalok ng kalakal. Sa pag-ibig, landiin ang minamahal upang muling uminit ang relasyon at ng sumigla naman ang inyong buhay. Mapalad ang 7, 16, 34, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Jana-Om.” Green at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending