Enrique: Gustong-gusto si Liza, pero bawal pa! | Bandera

Enrique: Gustong-gusto si Liza, pero bawal pa!

Ervin Santiago |February 01,2015
facebook
share this

Enrique: Gustong-gusto si Liza, pero bawal pa!

Ervin Santiago - February 01, 2015 - 03:00 AM

enrique gil
NANINIWALA kaming na-develop na nga nang tuluyan si Enrique Gil sa kanyang ka-loveteam sa Primetime Bida series Forevermore na si Liza Soberano.

Kung noon ay crush lang ng Kapamilya hunk actor ang bagong teen princess ng ABS-CBN, we believe na nag-level up na ang feelings niya sa dalagita.

Sa isang interview, sinabi ni Enrique na mas lalo niyang nakilala kung sino talaga si Liza sa ilang buwan na nilang pagsasama sa kanilang teleserye, kaya mas lalo pa siyang napalapit dito.

“Yes, ‘yung likability, mas lalong tumaas. When you know the person more, mas lalong nahuhulog ang loob mo, nakikita mo na ganito pala siya ka-genuine na tao.

The more you get to know the person, the more you get to know kung ano talaga siya as a friend, as a person. “‘Yun ang pinakaimportante sa akin as we get to know each other.

Sobrang naging close kami, masaya kami…alam ko masaya kami. Nalaman ko ‘yung story ng buhay niya, about herself, ‘yung ugali niya, how she is as a person.

Parang mas naging deeper ‘yung pagkakakilala ko sa kanya kasi dati, parang, ‘Ang gandang bata.’ “Siyempre you learn more habang tumatagal ang pagsasama ninyo.

Mas marami kang nalalaman sa tao, ‘Ah, ganito pala siya, ganyan pala siya, ang bait niya,’”  mahabang pahayag ni Enrique sa nasabing interview.

Pero paulit-ulit na sinabi ni Enrique na wala pa siyang balak ligawan si Liza dahil 17 pa lang ito, “Sa ngayon, hindi pa puwede, kasi bata pa siya. She’s seventeen, she’s not at the right age, pero alam naman niya na gusto ko siya.

We’ll just see, we’ll just wait na lang.” Malakas ang feeling namin na kahit si Liza ay nahuhulog na rin sa kanyang leading man. Sa mga eksena kasi nilang dalawa sa nasabing serye ay ramdam na ramdam mo ang “init” sa kanilang tinginan.

Kung noon kasi ay medyo hilaw pa ang kilig moments nila, ngayon ay feel na feel mo na ang sweetness nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending