Sharon naghahanda na sa pagtakbo ng mayor sa Pasay | Bandera

Sharon naghahanda na sa pagtakbo ng mayor sa Pasay

Julie Bonifacio |February 01,2015
facebook
share this

Sharon naghahanda na sa pagtakbo ng mayor sa Pasay

Julie Bonifacio - February 01, 2015 - 03:00 AM

sharon cuneta
Speaking, again, of Sharon Cuneta, baka mag-iba raw ang ihip ng hangin sa desisyon niya pagdating sa politika. Madalas kasing sabihin ni Mega na hindi niya type ang pumasok sa politics.

At tama na raw sa pamilya nila ni former Sen. Francis Pangilinan ang isang politician.Lumaki kasi Mega sa mundo ng politics kaya knows niya kung paanong mas malala pa ‘to sa showbusiness.

Nakita niya kung paanong naging super busy ang yumao niyang ama at dating Mayor ng Pasay for more or less 20 years na si Pablo Cuneta. At kung paanong gumalaw ang mga tao sa politics.

Pero ‘yun nga, may nabalitaan kami na tuloy na raw talaga ang pagtakbo ni Mega bilang Mayor ng Pasay sa 2016. At ang magiging ka-partner niya ay ang kasalukuyang Vice Mayor ng Pasay ngayon na si Marlon Pesebre.

Pareho raw kasi ng partido si Pesebre at mister ni Mega na ngayon ay cabinet secreraty ni President Noynoy Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending