Julia, Iñigo patutunayan ang magic ng pag-ibig | Bandera

Julia, Iñigo patutunayan ang magic ng pag-ibig

Ervin Santiago |February 01,2015
facebook
share this

Julia, Iñigo patutunayan ang magic ng pag-ibig

Ervin Santiago - February 01, 2015 - 03:00 AM

inigo pascual
MAS aapaw ng kilig sa Buwan ng Pag-ibig para sa mga karakter nina Julia Barretto at Iñigo Pascual na mas nagkakalapit pa sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special na Wish Upon A Lusis ngayong Linggo (Pebrero 1).

Sa pagtanggap ni JP (Iñigo) sa kanyang tunay na pagkatao, aaminin na ni Joy (Julia) dito ang kapangyarihan ng “magic lusis” na naging dahilan ng kanilang pagkakakilala.

Bilang isang regalo, pagkakalooban ni Joy si JP ng isang lusis upang matupad ang kahilingan nito na makita muli ang kanyang ina.

Paano matutulungan ni JP si Joy sa paghahanap nito ng pagmamahal ng isang pamilya, bilang kapalit ng kabutihang ipinakita nito sa kanya? Ano ang kanilang gagawin kapag may kumuha ng kanilang natitirang “magic lusis?”

Tampok din sa Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis sina Susan Africa, Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagusad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes at Ana Roces.

Ito ay sa panulat ni Joel Mercado at sa direksyon nina Manny Palo at Rahyan Carlos. Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending