Elmo, Janine pasok sa listahan ng sexiest celebrity couple | Bandera

Elmo, Janine pasok sa listahan ng sexiest celebrity couple

Ervin Santiago |February 01,2015
facebook
share this

Elmo, Janine pasok sa listahan ng sexiest celebrity couple

Ervin Santiago - February 01, 2015 - 03:00 AM

elmo magalona

HINDI imposibleng ang loveteam nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez ang sumunod sa mga yapak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang hari’t reyna ng GMA 7.

At marami rin ang nagsasabi na malaki ang posibilidad na sa kasalan din mauwi ang kanilang relasyon.Base sa mga nababasa naming komento sa social media, gustung-gusto ng manonood ang tambalan nina Elmo at Janine sa GMA Telebabad series na More Than Words, hindi raw kasi ito pilit tulad ng ibang loveteam na halatang-halatang put on lang ang pagiging sweet sa isa’t isa.

Dumalaw kami sa taping ng More Than Words kamakailan kasama ang iba pang piling members ng entertainment press, at dito nga namin napatunayan kung gaano kamahal ng dalawang Kapuso stars ang isa’t isa, base na rin sa nakikita naming kilos at tinginan nila.

Unang tanong kay Elmo, ano ang reaksiyon niya sa mga balitang ang tandem na nila ni Janine ang sinasabing next important loveteam sa local showbiz?

“Basta ang ano namin, siyempre gawin yung best namin. Pinagkatiwalaan kami, e, na ilagay kami bigla sa primetime kaya dapat gawin yung best lagi,” tugon ni Elmo.

Nakasama rin ang dalawa sa listahan ng hottest o sexiest celebrity couple sa showbiz, “Ah talaga? E, kain nga kami nang kain dito sa set!” tawa nang tawang sey ng binata. “Pero honestly, flattering, flattering na pasok kami dun, nakakagulat.”

Tinanong naman ang binata kung ano para sa kanya ang pinakaseksing bahagi ng katawan ng kanyang girlfriend na si Janine?  “Favorite ko kay Janine, ‘yung eyes. Malalim, e.

Parang nahuhulog ako sa mga mata niya!” sey ng Kapuso actor. E, sa ugali, ano ang pinakagusto niya kay Janine?  “A, ‘yung pagiging maalaga. Si Janine kasi, kahit hindi sa akin, she’s very thoughtful, sa lahat ng tao around her.

Thoughtful siya, palagi siyang concerned sa mga friends niya, lalo na sa family niya. I’m happy na part ako dun sa mga tao na concerned siya.”

Paano niya inaalagaan ang kanyang GF? “Siyempre, as her boyfriend, I wanna be there for her palagi. Kung kailangan niya ng kausap or kailangan niya ng advice, nandun ako.

I want to be the one na kaya niyang kausapin. Kaya niyang pagkatiwalaan sa mga thoughts niya.” Inamin naman ng dalawa na pareho silang “touchy”, gustung-gusto raw nila ‘yung ipinararamdam sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng “touching”, at kung anuman ang ibig sabihin nu’n, hayaan na natin ‘yun sa kanila.

Pero nag-aaway rin ba sila? “Ano lang, normal lang, ‘yung pagkatapos makakalimutan na,” ani Elmo. Hindi na nga raw niya maalala kung ano ‘yung huling away nila, “‘Yun nga, e. Ganun kabilis, nakalimutan na naming parehas.”

Ano ang plano nila sa Valentine’s day – ito ang unang pagkakataon na ise-celebrate nila ang araw ng mga puso bilang magdyowa? “Ano siguro, parang getaway lang, get away from… something private lang. For Valentine’s, para maiba.”

Inamin din ni Elmo na habang tumatagal ay mas lalo siyang nahuhulog kay Janine, “Mas nade-develop na nga ako kay Ikay, e,” biro ni Elmo na ang tinutukoy ay ang karakter ni Janine sa More Than Words.

Samantala, puro papuri naman ang sinabi ng dalawang bida ng More Than Words sa bagong co-star nilang si Kylie Padilla na gumaganap ngang GF ngayon ng karakter ni Elmo sa serye.

Sey ng aktor, “First time ko to work with her, napabilib ako sa kanya. Kasi first scene niya pa lang, talagang parang matagal na niyang nabasa ‘yung script.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So, nakita ko ‘yung dedication din sa kanya. Napabilib ako kay Kylie, I’m happy na siya yung kasama rin namin,” aniya pa.
Napapanood pa rin ang More Than Words gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Kasama rin dito sina Jaclyn Jose, Rey PJ Abellana, Leni Santos, Yayo Aguila, Gardo Versoza at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending