Ang ka-chat na bang foreigner ang makakatuluyan? | Bandera

Ang ka-chat na bang foreigner ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield |January 31,2015
facebook
share this

Ang ka-chat na bang foreigner ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - January 31, 2015 - 01:58 PM

Sulat mula kay Evelyn ng Dr. Meciano Road., Dumaguete City, Negros Oriental

Dear Sir Greenfield,

Mag iisang taon na akong may ka-chat mate na isang foreigner at bale sa kasalukuyan ay boyfriend ko na siya. Isa siyang Norwegian. Ang huling usapan namin ay kung magiging okey raw ang lahat, papasyal siya rito sa a-ting bansa, at pagkatapos ay mamanhikan sa amin at magpapakasal na raw kami.
Nais ko lang itanong kung totoohanin kaya nya ang kanyang pangako at kung compatible ba kami? August 10, 1989 ang birthday ko at December 16, 1971 naman ang ka-chat mate kong Norwegian at kung kami ang magkakatuluyan magiging maligaya kaya at magiging successful ang aming itata-yong pamilya? At nais ko ring malaman kung makakarating ba ako sa ibang bansa?

Umaasa,
Evelyn ng Negros  Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Sadyang may malawak at mahaba ang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Walang duda, sa malapit na hinaharap, si-guradong totohanin ng boyfriend mong foreigner ang kanyang pangako, papakasalan ka nya at makakarating ka sa bansang Norway.

Cartomancy:

Ace of Diamonds, Ten of Diamonds at Ten of Hearts ang lumabas, (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabi, sa taon ding kasalukuyan, sa buwan ng Oktubre, darating ang ka-chat mate mong foreigner, upang ikaw ay pasyalan. Sa panahong iyon, mabubuo ang isang lehitimo at masayang relasyon.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending