Horoscope, January 31, 2015 | Bandera

Horoscope, January 31, 2015

Madam Sophia |January 31,2015
facebook
share this

Horoscope, January 31, 2015

Madam Sophia - January 31, 2015 - 01:35 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap magmintina ng isang masarap na relasyon. Ngunit kung iisiping nagkaka-edad ka na, magagawa mo – panatiliin ang kasuyong isinilang sa buwan ng Oktubre. Sa pinansiyal, sa susunod na buwan ng Pebrero kusa ng aangat ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 9, 27, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Homa-Japa-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Mahirap mawalan ng pera, kaya sa sandaling gumanda ang income, matutong mag-save. Sa pag-ibig susuwertehin ka sa pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Iwasang sumimangot! Kung laging nakangiti, ngingiti rin ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig may isang naka-red ang palihim na humahanga sayo. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Om-Durga” Red at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kahit malamig ang panahon, magpakasipag, gawing mabilis ang mga bagay na iniisip mo, upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga! Mapalad ang 5, 14, 19, 27, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vedya-Om.” Blue at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kung sadyang nagigipit sa salapi, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong nya. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Maroon at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Panatiliin ang pagsusuot ng kaakit akit na damit. Sa pag-ibig higit na nakakikilig ang susunod na pagniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ng hindi inasahan ang isang dating may utang. Mapalad ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Thaanam-Bhavalam.” Yellow at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa araw na ito may sopresang matatanggap, na sobrang ikagagalak. Sa pag-ibig, mamayang gabi, habang nilalamig may masarap na romansang mararanasan. Kinabukasan, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala-Om.” Silver at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin, puwede ring mga halaman ang iyong alagaan. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang bilugan ang dahon upang kapwa kayo suwertehin. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Blue at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa taong ito ng 20145 baguhin ang style ng buhok. Sa mahabang buhok susuwertehin ka na sa pag-ibig at pinansyal. Kung carry mo, maglagay na rin ng kapirasong tattoo sa dibdib. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat may magandang kapalarang naghihintay. Higit kang uunlad sa pangingibang bansa. Sa pag-ibig, sa abroad mo makikilala ang iyong true love. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Satura-Sahatma-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa malayong pook mo matatagpuan ang pag-unlad. Lumayo sa sinilangang bayan upang yumaman ka. Sa pag-ibig, habang naghahanap buhay sa malayong lugar mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Om-Jai-Om-Shari-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig mas mabuting makuntento na sa kasalukuyang minamahal wag ng isipin pa ang nakaraan. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 17, 18, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugang pagmumukha at matataba ang higit na yumayaman kaysa sa mga payat! Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, “sexy din naman ang matataba”. Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending