Heart gaya-gaya kay Marian, reregaluhan din si Chiz ng relo | Bandera

Heart gaya-gaya kay Marian, reregaluhan din si Chiz ng relo

Alex Brosas |January 31,2015
facebook
share this

Heart gaya-gaya kay Marian, reregaluhan din si Chiz ng relo

Alex Brosas - January 31, 2015 - 03:00 AM

heart evangelista
HEART Evangelista’s going to a chichi Makati boutique na bilihan ng high end na relo caused her bashers to feast.

Kasi naman, parang pinalalabas na bibili rin siya ng expensive timepiece na katulad ng iniregalo ni Marian Something kay Dingdong Dantes.

Nagpiyesta ang bashers ni Heart. Kaliwa’t kanan ang bira sa aktres, para bang napakalaking kasalanan ang nagawa niya, parang exclusive lang ang isang brand ng relo kay Dingdong.

Ang feeling ng Marianitas, bibili rin si Heart ng the same brand ng relo na binili ng idol nila. They were thinking, collectively, that is, na ireregalo iyon ni Heart kay Sen. Chiz Escudero.

Napaka-OA mag-isip ng mga  fans ni Marian, ha. Wala silang  ipinagkaiba sa mga fans na walang modo dahil kung i-bash nila ang aktres ay parang ang laki-laki ng kasalanan nito sa kanila.

So, pinalalabas ba nila na gaya-gaya si Heart kay Marian Something? Kung ganyan ang flow of thinking nila, eh, di lahat pala ng bibili ng relo katulad ng mamahaling brand na binili ni Marian para kay Dingdong ay gaya-gaya lang din ang peg.

It’s a free country. Kung ano’ng type na relo na bilhin ni Heart ay wala nang pakialam ang publiko, lalo na ang Marianitas na wala naming pambili ng ganoong klaseng timepiece.

Inggit daw ang nananaig kay Heart. Eh, ano naman ang ikaiinggit ni Heart? Si Heart galing sa buena familia na kahit hindi magtrabaho ay kakain nang disente.

Si Heart mas maraming commercials na lahat may speaking lines. Si Heart nakakapag-English kahit na high school lang ang natapos. Heart exudes sophistication and elegance.

So where lies Heart’s inggit? Hindi ka naman siguro maiinggit sa isang taong mas better ka pa, ‘di ba? In more ways than one, ipinapakita ng fans ni Marian  na sila ay mga inggitero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending