P-Noy binalahura, inalipusta ng mga nagwawalang netizens | Bandera

P-Noy binalahura, inalipusta ng mga nagwawalang netizens

Cristy Fermin |January 31,2015
facebook
share this

P-Noy binalahura, inalipusta ng mga nagwawalang netizens

Cristy Fermin - January 31, 2015 - 03:00 AM

pnoy1
Walang positibong komentong maririnig ngayon tungkol sa pangulo ng ating bayan.

Dalawa-singko ang pamba-bash ngayon kay P-Noy, kulang na lang na saktan pa siya ng literal ng ating mga kababayan, ewan kung anong klase ng pabango ang kailangang iisprey ngayon sa kanya ng mga taga-Malacañang para mapawi ang galit sa kanya ng sambayanang Pinoy.

Habang ibinababa mula sa tatlong C-130 ang mga labi ng mga pumanaw nating kababayang pulis sa Villamor Air Base ay nasa isang factory naman ng magagarang sasakyan ang ating pangulo.

Hinahanap siya ng publiko, nasaan ang tatay ng mga pinaslang na pulis, bakit hindi man lang sinalubong ang kanilang mga bangkay sa pag-uwi mula sa Maguindanao?

Nandu’n sina Vice-President Jejomar Binay, si DILG Secretary Mar Roxas, nandu’n ang mga tagapamuno ng kapulisan pero nasaan ang pangulo na dapat sana’y nagbibigay ng simbolikong presentasyon para sa mga bayani nating pulis?

Ang katwiran ng tagapagsalita ng Palasyo ay wala raw kasi sa schedule ng pangulo nu’ng nakaraang Huwebes ang pagsalubong sa mga bangkay ng mga namatay na pulis sa linya ng kanilang sinumpaang tungkulin kaya hindi siya nagpunta sa Villamor Air Base.

Hindi kaya sinabon nang husto ni P-Noy ang nagdesisyong ganu’n ang ibigay na katwiran at dahilan ng kanyang mga tauhan?
Nakakahiya! Siya pa na pinakatatay ng mga nilipol na pulis ang wala ru’n dahil dumalo siya sa paglulunsad ng mga bagong uri ng sasakyan ng isang car factory.

Nakakahiya! Sa tindi ng galit ng ating mga kababayan ay ayun, kung anu-anong pambabalahura tuloy sa ating pangulo ang naglabasan sa social media, idinugtong ang kanyang ulo sa mga kinamumuhiang personalidad sa buong mundo.

Onli in da Pilipinas naman kasi!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending