Daniel biglang tumaba pero mas lalo pang gumuwapo at kuminis | Bandera

Daniel biglang tumaba pero mas lalo pang gumuwapo at kuminis

Julie Bonifacio |January 31,2015
facebook
share this

Daniel biglang tumaba pero mas lalo pang gumuwapo at kuminis

Julie Bonifacio - January 31, 2015 - 03:00 AM

daniel padilla
Grabe ang sigawan sa sinehan nu’ng ipakita ang teaser ng bagong pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa premiere night ng “Halik sa Hangin.” Wala pang title ang movie pero may theme song na, ang kanta ng Starship na “Nothing’s Gonna Stop Us Now.”

Ito ang Valentine offering ng Star Cinema and first Valentine movie nina Daniel at Kathryn na idinirek ni Mae Cruz.
Kapansin-pansin sa big screen ang laki nang ipinagbago ng histura nina Daniel at Kathryn.

Sa mukha pa lang ay halata nang tumaba si Daniel.  Lumaki rin ang kanyang pangangatawan. Posibleng nahiyang si Daniel sa ilang buwang pahinga sa pagti-taping ng teleserye, huh!

Bukod sa paglaki ng katawan ni Daniel, mas kuminis at pumuti pa ang kutis niya ngayon, huh! Wala namang masama doon dahil isa sa requirements ‘yun ng pagiging matinee idol.

At kung lalong gumuwapo si Daniel sa pagputi niya at pagiging makinis, doble naman ang iginanda ni Kathryn ngayon. Malayung-malayo na sa Kathryn during the Mara Clara  days nila ni Julia Montes.

Well, that’s good naman ‘di ba? Tsaka aminin na natin na kapag sumisikat talaga ang isang arista, nagkakaroon sila ng tinatawag na “star aura.”

Nadadagdagan ng kislap ng kasikatan ang kanilang physical features.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending