Vhong sa grupo ni Cedric: May takot pero tuloy ang laban! | Bandera

Vhong sa grupo ni Cedric: May takot pero tuloy ang laban!

Alex Brosas |January 30,2015
facebook
share this

Vhong sa grupo ni Cedric: May takot pero tuloy ang laban!

Alex Brosas - January 30, 2015 - 06:06 PM

VHONG NAVARRO AT CEDRIC LEE

VHONG NAVARRO AT CEDRIC LEE

VHONG NAVARRO admitted na natatakot pa rin siya hanggang ngayon sa pwedeng mangyari sa kanya habang dinidinig ang mga kasong isinampa niya laban sa grupo ni Cedric Lee.

But he said in an interview, kailangang makuha niya ang hustisya na hinahanap niya. “Tuloy po ang laban,” paninindigan ni Vhong matapos ngang maaresto ang isa pang suspek sa pambubugbog sa kanya na si Ferdinand Guerrero.

“Siyempre ako ay natutuwa na nahuli na nga at nasakote na nga ng NBI ang isa sa mga nambugbog sa akin. Ngayon unti-unti kong nakikita ang justice sa atin.

“Hindi naman nawawala ‘yung takot pero ako naniniwala pa din ako sa justice natin na lahat ay magiging maayos. Siguro ako kailangan ko pang magdasal pa na sana ay magkaroon ng katarungan ang ginawa sa akin,” the comedian further claimed.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending