Kris handa nang tumanda na walang dyowa: Keribels na! may 2 anak na ko! | Bandera

Kris handa nang tumanda na walang dyowa: Keribels na! may 2 anak na ko!

Ervin Santiago |January 30,2015
facebook
share this

Kris handa nang tumanda na walang dyowa: Keribels na! may 2 anak na ko!

Ervin Santiago - January 30, 2015 - 03:00 AM

BIMBY, KRIS AQUINO AT JOSH

BIMBY, KRIS AQUINO AT JOSH

TANGGAP na ni Kris Aquino kung tumanda man siyang walang asawa.

“Hindi lahat ibibigay ni God, tanggap ko na yun,” ani Kris na kuntento na bilang ina nina Joshua at Bimby.

“You realize things in life. Parang na-realize ko, I’m meant to be a mom, maybe I am not meant to be a partner – for now, ‘di ba?

“But I am enjoying the season of my life to be a mom,” chika pa ng TV host-actress sa nakaraang episode ng Kris TV.

Ang paniwalang ito ni Kris tungkol sa lovelife ay kanyang na-realize matapos dumalo sa misang pinangunahan ni Pope Francis sa Quirino Grandstand noong Jan. 18. Sey ni Kris, after ng mass ay mas na-appreciate niya ang pagiging nanay.

“Okay na nga, happy na ako. Pinray ko ‘yon kay Pope (Francis) nu’ng nagma-mass. Kasi, parang sinabi ko, nu’ng sa gitna ng ulan na ‘yon, basta mabait lang.

“Kasi I was so proud na hindi nag-brat yung dalawa – tiniis yung ulan, hindi nag-ingay, hindi nag-naughty. So, sabi ko, ‘Sige na, God, kung imi-maintain mo silang ganito kabait, okey na, na alone ako. Keribels na, okay kami,'” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending