Horoscope, January 29, 2015 | Bandera

Horoscope, January 29, 2015

Madam Sophia |January 29,2015
facebook
share this

Horoscope, January 29, 2015

Madam Sophia - January 29, 2015 - 05:36 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Sopresa ang magaganap, habang patuloy ang pagdating ng mga kumplikadong pangyayari. Makipag-sapalaran, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa pag-ibig, puwede ng pag-tyagaan ang isang Gemini. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Paminsan-minsan matutong magparaya! Kailanman’y hindi ka lubos na liligaya kung ikaw ang lagi ang nasusunod. Hayaang ang kasuyo ang mag-pasya. Sa pinansyal, ipaubaya sa iyong kasosyo ang diskarteng nalalaman niya upang magtagumpay ang transaksyon. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Red at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag pang hinaan ng loob! Kung lalakasn mo ang iyong loob, nuon ka pa sana mayaman! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Sukadeva-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Panahon na upang magbagong buhay. Sa pag-ibig, palitan na ang kasuyong matagal mo nang kinayayamutan. Sa pinansyal, wag ng asahang magbabayad ang mga balasubas na mangungutang. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.”  Red at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag magpatalo sa lungkot! Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit na ang suweldo kaya sasaya ka na naman. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Panahon na upang mag-concentrate sa pagiipon ng pera, iwasang gumasta ng gumasta ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Aries. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Orange at black ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi makukuha sa puro na lang pakikipagkuwentuhan ang magandang kapalaran. Mabilis na aksyon ang kailangan. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa-Scientia-Potesta-Om.”  White at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Huwag  kang umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Sariling diskarte sa pagpapayaman ang ipatupad. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Mapalad ang 6, 15, 24, 29, 32, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Red at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa maling salita mapapa-away ka. Panatiliin ang pagiging mahinahon upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig at pinansyal, isipin mo munang mabuti ang anomang sasabihin sa kausap, upang hindi ka mamali ng diskarte. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Green at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Magpakatatag dahil ‘yon ang dapat para malagpasan  ang lahat ng mga pagsubok. Sa pinansyal, malapit ka ng magkapera ng malaking halaga, pag nahawakan mo na, – matutong magtipid.  Sa pag-ibig, wag mag alala mahal ka ng kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Om.” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Panahon na upang  ituloy ang pagpupursige na yumaman, siguradong sa edad mong 43 mararating mo rin yan. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng kasuyo na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Red at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging  tumingin sa future. Darating ang araw makaka-ahon karin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig panatiliin  ang pag-ibig sa isang Libra upang hindi ka na malungkot. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green  at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa taong ito ng 2015 maging maingat sa pagpili ng kososyo at maging maingat din sa paglalagakan ng salapi, sapagkat may babala na muli ka na namang maloloko. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Purple at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending