Empress: Ayoko nang mag-artista! | Bandera

Empress: Ayoko nang mag-artista!

Ervin Santiago |January 29,2015
facebook
share this

Empress: Ayoko nang mag-artista!

Ervin Santiago - January 29, 2015 - 03:00 AM

empress shuck
HANGGA’T maaari sana ay ayaw nang pag-usapan ng nagbabalik-Kapuso na si Empress Schuck ang mga naging rason kung bakit siya biglang lumayas sa ABS-CBN.

Pero kapag natatanong siya ng mga reporter ay ayaw naman daw niyang magsinungaling at ayaw din niyang itago ang tunay niyang nararamdaman sa mga nangyari sa kanya sa dating mother network.

Sa presscon ng bagong afternoon series ng GMA 7, ang Kailan Ba Tama Ang Mali? kung saan makakasama ni Empress sina Max Collins, Dion Ignacio at Geoff Eigenmann, inamin ng dalaga na nasakatan siya nang hindi na i-renew ng ABS ang kontrata niya.

“Inaamin ko, talagang nasaktan talaga ako. Pero, wala, kailangan nating mag-move on. Ganu’n talaga,” pahayag ni Empress na masayang-masaya naman dahil tinanggap uli siya sa Kapuso network.

Kuwento pa ng dalaga, alam niya na nakakarating sa mga big bosses ng Dos ang kanyang mga hinaing dahil matagal na siyang walang trabaho at masakit daw ito para sa kanya na naging loyal naman sa istasyon.

“Hindi nila (TV executives) alam directly na sinabi ko na nasasaktan ako. Pero siguro naman, obvious naman yun. Loyal ako sa kanila. Sa kanila ako lumaki. Bata pa lang ako, nasa kanila ako.

Hanggang ngayon, parang wala namang nabibigay sa akin.”So, ang feeling ko talaga, na-hurt talaga ako. Pero hindi ko naman sila kinausap na nasasaktan po ako, kasi hindi ko naman kaya diretsuhin sila,” patuloy pang himutok ng aktres.

At dahil feeling nga niya ay napabayaan na siya ng ABS-CBN, naisip din ni Empress na tumigil na lang sa pag-aartista. Sinisi rin daw niya ang kanyang sarili. Pilit daw niyang iniisip kung ano ang nagawa niyang mali.

“Opo naman, kaya nga ako nasaktan kasi parang sinisi ko rin sarili ko. Ang daming realizations. Minsan, parang sabi ko, ayoko na mag-artista, yung ganun. Normal lang naman yun.

Tao lang din naman ako. Napagdadaanan ko yung mga bagay na yun – mga down moments,” chika pa ng Kapuso star.Pero siyempre, hindi naman siya basta na lang umalis sa Kapamilya network, nagpaalam naman daw siya nang maayos para wala ring masabi sa kanya ang mga dating boss sa istasyon na itinuring na rin niyang pamilya.

“Nagpaalam naman din kami. Tinanong namin kung okay sa kanila. Sabi nila, okay lang. So, siguro, yun na talaga ang sign, sila na mismo ang nagsabi na okay lang. E, di mas maganda, may approval talaga nila,” sey pa ng dalaga.

Todo-pasasalamat naman siya sa mga big bosses ng Siyete dahil agad siyang na-consider sa bagong serye ng network, ito ngang heavy drama na Kailan Ba Tama Ang Mali? kung saan first time siyang gaganap na kontrabida.

“E, yun, sinabi ni Tita Becky (Aguila, manager niya) na may offer ang GMA. Parang nabuhayan talaga ako ng loob. Tapos ganito pa yung ibinigay sa akin. Parang bumalik lahat,” chika ni Empress.

At dahil dito, bumalik daw ang lakas ng loob niya at ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para hindi masayang ang tiwala sa kanya ng mga executives ng GMA.

Hirit pa ng dalaga, “Na-overwhelm ako sa pagiging mabait ng GMA sa akin. Hindi ko in-expect na mabait yung mga tao, pati artista mabait. Warm yung pag-welcome nila sa akin kaya malaking tulong yun.”

Samantala, sa trailer pa lang ng nasabing teleserye na magsisimula na sa Feb. 9 sa GMA Afternoon Prime, talagang inalagaan ng production ang exposure ni Empress.

Mukhang magiging effective na bida-kontrabida ang dalaga sa nasabing programa. “Sa akin naman po walang problema kung kontrabida agad ang ibinigay nila sa aking project, super challenging nga po ito for me dahil first time kong gagawin ito sa TV.

Kaya sana magustuhan nila ang bagong Empress na mapapanood nila sa Kailan Ba Tama Ang Mali?. Sana huwag silang masyadong mainis sa akin kapag nagsimula na kaming umere. Ha-hahaha!” chika pa ng dalaga.

Bukod kina Max, Geoff at Dion, makakasama rin sa seryeng ito sina Shamaine Buencamino, Ryza Cenon, Chariz Solomon, Ervic Vijandre, Ken Alfonso, Ash Ortega at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr.. Magsisimula na ito sa Feb. 9 sa Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending