Para makasiguro: Pamilya ni Sarah pinaimbestigahan si Matteo | Bandera

Para makasiguro: Pamilya ni Sarah pinaimbestigahan si Matteo

Alex Brosas |January 29,2015
facebook
share this

Para makasiguro: Pamilya ni Sarah pinaimbestigahan si Matteo

Alex Brosas - January 29, 2015 - 03:00 AM

sarah geronimo
True kaya ang nasulat na blind item about a young couple?

Lumabas sa isang popular website ang isang item tungkol sa isang magdyowa na sikat. Ang chika, quietly ay pinaimbestigahan daw ng isang kamag-anak ng girl ang boyfriend na actor ng kanyang anak.

Alam n’yo naman kung gaano ka-protective ang relative ng girl na ito, ‘di ba? Legendary na ang kanyang pagiging over-protective sa kanyang anak na nagbigay sa kanilang pamilya ng milyones.

Hindi nga ba’t ‘yung unang boyfriend ng female celebrity ay hindi nakayanan ang once-a-month na pagkikita nila na patago pa?
‘Yung isa naman, pumuporma pa lang ay hindi na talaga nakaabante dahil sa pakikialam ng relative ng girl.

Pero itong huli, walang takot, ipinaglaban ang kanyang pag-ibig at nagwagi naman siya. Kasi naman, hindi siya sumuko, talagang ipinakita niya na harangan man siya ng sibat ay carry ng power niya na matagalan ang pangingialam ng relative ng girl.

Hindi nagtagal ay naging sila, at ang biggest surprise, ang girl pa ang nag-announce. Ang chika sa latest blind item sa dalawa, isang relative ng girl ang umupa daw ng private detective para alamin ang background ng dyowa ng young female celebrity. Talagang inalam daw lahat ng detalye.

Later, wala namang kahindik-hindik na sikretong nakuha mula sa pamilya ng BF ng young female celebrity. Na-discover pa nga ng relative ng celebrity na super yaman pala ang family ng BF ng aktres.

Kung gugustuhin nga nito ay puwede na siyang hindi mag-artista. By now you are most probably muttering two names – Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.

Actually, you’re on the right track dahil lahat ng nag-comment ay sila din ang hula sa blind item na iyon. If this is true, hindi na kami nagulat. Ano ba ang kagulat-gulat doon, aber?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending