54th b-day party ni Willie ginanap sa helipad ng building | Bandera

54th b-day party ni Willie ginanap sa helipad ng building

Cristy Fermin |January 29,2015
facebook
share this

54th b-day party ni Willie ginanap sa helipad ng building

Cristy Fermin - January 29, 2015 - 03:00 AM

willie revillame
Sa mismong rooftop-helipad ng kanyang gusali sa Kyusi ginanap ang selebreasyon ng kaarawan ni Willie Revillame na singkuwenta’y kuwatro anyos na ngayon.

Nadagdagan na naman ang kanyang edad, pero walang problema, dahil tumanda siyang may pinagkatandaan. Hindi lahat ng taong umaabot sa ganu’ng edad ay nabibigyan ng pagkakataong yumaman at magtagumpay sa kanyang linya.

Limang dekadang nagamit niya sa tamang paraan, mayabong na pamumuhay na naging resulta ng kanyang pangangarap at pagpupunyagi, sino nga ba ang mag-aakala na ang pa-drums-drums lang na si Willie ay pepremyuhan pala ng kapalaran nang ganito katindi?

Mga bahay na milyunan ang halaga, magagarbong sasakyan na nakapila sa kanyang mga garahe, binigyan pa siya ng bonus na yate at eroplano.  Bukod na pinagpala nga itong si Willie Revillame!

Nang bisitahin namin ang kanyang bagong mansiyon sa Iruhin, Tagaytay na nakatayo sa isang mataas na bahagi ng kabundukan ng lunsod ay isa lang ang nasabi namin, napakasuwerteng nilalang, halos abot na niya ang langit dahil sa rooftop ng kanyang mansiyon ay parang maaabot mo na ang mga ulap.

Maligayang kaarawan uli sa aktor-TV host na bukas ang mga palad sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.
Para siyang tangkay na habang tinatalbusan ay lalong yumayabong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending