Senior citizen wagi ng P16M sa lotto | Bandera

Senior citizen wagi ng P16M sa lotto

Leifbilly Begas |January 26,2015
facebook
share this

Senior citizen wagi ng P16M sa lotto

Leifbilly Begas - January 26, 2015 - 06:49 PM

lotto for site
ISANG senior citizen na taga- Las Piñas ang nanalo ng P16 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 noong Enero 20.
Ang nanalo ay 68-anyos na may asawa.  Wala silang anak.

Babalatuhan niya ang kanyang mga kapatid at magtitira para sa kinabukasan nila ng kanyang misis. Siya ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 46-19-07-18-17-40 na lumabas sa naturang bola.

Ang mga numerong ito ay lucky pick o pinili ng lotto machine para sa kanya. Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang itinaya ng manalo. Nagsimula siyang tumaya sa lotto noong 1995, ng simulan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang operasyon ng lotto sa bansa.

Sadyang hindi inilalabas ng PCSO ang pagkakakilanlan ng mga nanalo para sa kanilang seguridad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending