Derek itinatago ang bagong dyowa: baka kasi malasin! | Bandera

Derek itinatago ang bagong dyowa: baka kasi malasin!

Ervin Santiago |January 26,2015
facebook
share this

Derek itinatago ang bagong dyowa: baka kasi malasin!

Ervin Santiago - January 26, 2015 - 03:00 AM

derek ramsay

KAHIT anong pilit kay Derek Ramsay ay ayaw talaga nitong pangalanan ang babaeng bago niyang idine-date. Ayon sa hunk actor, hangga’t maaari gusto muna niyang gawing pribado ang kanyang lovelife para walang masyadong intriga.

Pero huwag daw mag-alala ang kanyang fans dahil darating din daw ang tamang panahon para makilala ang mystery girl sa buhay niya ngayon.

“Working on that. I’m dating and I hope I’ll find Miss Right and we’ll see what happens in the next three years. But ayokong i-jinx,” sey ni Derek sa isang interview.

Pero may mga chika na ang bagong apple of the eye ngayon ng aktor ay ang babaeng kasama niya sa ginanap na New Year Countdown ng TV5 sa Quezon City Memorial Circle?

Ang reaksiyon ni Derek, “Huwag muna. Ayusin ko muna ito. You know, there’s no label, there’s nothing yet. We’re dating and that’s it. Bago pa lang kasi.

Kailan ba ako nagkaroon ng oras talagang mag-all-out dating? Kita n’yo na, nagtatrabaho (sa New Year Countdown), doon na lang kami nag-date,” ani Derek.

Sey pa ni Derek nasa getting to know each other pa lang sila ng babaeng dine-date niya pero siyempre umaasa siya na sa isang sersoyong relasyon mauuwi ang lahat, “It’s just I’m interested but like I said, I don’t want to jinx it.

I don’t want to put any labels to anything.” Nag-promise naman siya na ipagmamalaki niya ang babaeng ito sa tamang pagkakataon.

Samantala, itinuturing naman ni Derek na swerte ang 2014 sa kanya sa kabila ng mga kontrobersiya at iskandalong kinasangkutan niya. Kung binagyo ng pagsubok si Derek noong mga unang buwan ng 2014, bumawi naman daw siya nitong huling quarter ng taon.

Bukod nga sa pagkakaayos nila ng ex-wife na si Mary Christine Jolly, maayos na rin ang relasyon niya sa anak na si Austin. At nito ngang nakaraang MMFF, nanalo pa siyang best actor para sa “English Only Please” at balitang kumita pa ito ng mahigit sa P170 million.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meron din daw pumasok na bagong endorsements para sa kanya.  “Tapos, I’m doing my first sitcom sa TV5, yung Mac & Chiz. So, yung blessing na lang ng lovelife ang hinihintay ko,” chika pa ng aktor.

Anyway, nagsimula na nga kagabi ang Mac & Chiz sa TV5 kung saan kasama rin niya sina Empoy Marquez, Bianca King, John Lapus, Jojo Alejar at Jun Sabayton.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending