Madlang pipol galit na galit sa kadaldalan ni Kat Alano | Bandera

Madlang pipol galit na galit sa kadaldalan ni Kat Alano

Cristy Fermin |January 26,2015
facebook
share this

Madlang pipol galit na galit sa kadaldalan ni Kat Alano

Cristy Fermin - January 26, 2015 - 03:00 AM

kat alano
Walang puwang sa mundo ang mga taong magaling lang mag-ingay pero wala namang bitbit na tapang. Aksiyon ang pinag-uusapan, hindi pagdaldal lang, kaya maraming nagagalit sa dating TV host na si Kat Alano.

Ilang beses na bang puro ingay at atake lang naman ang kanyang ginagawa, pero kahit clue lang, ayaw niya namang magbigay tungkol sa lalaking personalidad na diumano’y nanghalay sa kanya sampung taon na ang nakararaan?

Napakalakas pa ng loob niyang bulabugin ngayon ang DOJ na wala raw ginagawang aksiyon laban sa mga rapist, naging biktima rin daw kasi siya ng panghahalay sampung taon na ang nakararaan, pero wala naman siyang pinapangalanang rapist daw niya.

Nakakainis nga naman ang ganu’n. Kung sana’y kaya niyang pangalanan ang nanghalay sa kanya, kung sana’y nagsabi man lang siya ng pagkakakilanlan ng rapist niya, baka pakisimpatyahan pa siya ng mga kababayan natin.

Pero ginagawa niyang pahulaan ang naganap daw sa kanya, lahat ng mga artistang playboy ay nagiging suspek tuloy, ganu’n ba ang nananawagang maparusahan ang mga rapist?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending