Binalaan na: Piolo may 'SUMPA' sa bisikleta | Bandera

Binalaan na: Piolo may ‘SUMPA’ sa bisikleta

Eric Dimzon |January 26,2015
facebook
share this

Binalaan na: Piolo may ‘SUMPA’ sa bisikleta

Eric Dimzon - January 26, 2015 - 03:00 AM

piolo pascual
HUWAG nang mag-alala ang mga fans and supporters ni Piolo Pascual dahil maayos na ang kundisyon nito matapos ang kinasangkutang aksidente kamakailan.

Nagtamo ng galos sa ilang bahagi ng katawan at fracture sa daliri ang Kapamilya actor nang maaksidente sa bike habang nagsu-shooting ng isang commercial.

Pero siniguro na ng Star Magic na okey na uli ang aktor, pinauwi rin ito agad ng doktor mula sa St. Lukes Medical Center matapos mabigyan ng first aid treatment.

Nakita namin ang isang larawan sa Instagram kung saan ipinakita ni PJ ang daliri niyang may benda. Base rin sa nakita naming litrato parang pati pisngi ng aktor ay nagalusan sa nasabing aksidente.

Mukhang malas talaga si Piolo sa bike dahil kung matatandaan ay naaksidente rin siya habang nagba-bike sa Baguio noong 2012.

Siguro kailangan nang iwasan ni PJ ang sumakay sa bike dahil baka sa ikatlong pagkakataon ay hindi lang galos at fracture ang abutin niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending