Daniel walang pahinga sa 2015, may 2 pelikula, teleserye, tv commercial | Bandera

Daniel walang pahinga sa 2015, may 2 pelikula, teleserye, tv commercial

Julie Bonifacio |January 25,2015
facebook
share this

Daniel walang pahinga sa 2015, may 2 pelikula, teleserye, tv commercial

Julie Bonifacio - January 25, 2015 - 03:00 AM

kathryn bernardo
SA ’di inaasahang pagkakataon ay nakatsikahan namin ang ina ni Daniel Padilla at “queen mother” (tawag nga ni Kris Aquino sa kanya), na si Karla Estrada. Dito naliwanagan ang isang isyu kipkip ni Karla tungkol sa amin.

Tinitira daw namin si Daniel sa aming mga kolum, or something to that effect. Tinanong kami ni Karla kung bakit daw negative ang isinusulat namin sa anak niya. Sinagot din namin ng tanong si Karla, “May nabasa ka ba?” Sumagot siya, “Wala.”

Sa sandamakmak na mga kontrobersyang kinasangkutan ni Daniel noong isang taon, kahit isang isyu doon ay hindi kami nakisawsaw.

Matagal na kasi naming ramdam na may mga nakapalibot kay Karla na nag-aantabay ng isusulat namin against Daniel. Fully aware kami diyan kaya naman isinaksak talaga namin sa isip namin na kung ‘di rin lang maganda ang isusulat namin kay Daniel, better not to write about him at all.

Dahil knows namin, sa sandamakmak na magandang nasulat namin kay Daniel, mabuburang lahat ‘yan ng isang pitik lang sa anak niya. At kara-karakang makakarating agad ‘yan kay Karla.

Sabi namin sa kanya, huwag basta-basta maniniwala sa mga sinasabi ng mga taong nakapalibot sa kanya lalo pa’t wala namang pruweba. “Huwag kang mag-alala Ate Julie, hindi ako pwedeng sulsulan.

May sarili akong isip,” lahad ni Karla sa amin. Inamin namin kay Karla that there was a time na nagtampo talaga kami sa kanya. Umoo kasi siya sa amin sa petsang binigay niya para sa araw ng show for Daniel na kami ang producer.

Supposed to be, pang-birthday show sana namin ‘yun. Anyway, the confirmation came after a long series of follow-ups kay Karla. Only to say na hindi raw matutuloy si Daniel sa ganoong petsa for our show.

Kung anuman ang dahilan kung bakit ‘di natuloy si Daniel for our show, ipinagkibit-balikat na lang namin. It’s worthless magpaka-stress para makipagtalo pa sa kanila.

Nalungkot lang kami kasi the show nga was for our birthday pabuenas. Pero nangako si Karla na siya na raw ang bahala sa birthday namin. Of course, ‘di na namin inasahan ang OPM ni Karla, kung OPM nga ‘yun.

But after a while, kinalimutan na namin ‘yun. Ganoon naman talaga sa showbiz. Kami pa ba?  Moving on, excited na binalita sa amin ni Karla na puno na ang kalendaryo ng kanyang anak for 2015.

Nagsimula na raw mag-shoot si Daniel sa bago nilang pelikula ni Kathryn Bernardo for Star Cinema last Jan. 13.
“Kaabang-abang ‘to dahil kargador ang role ni DJ sa movie, maglulupa.

At si Kathryn naman ang mayaman. Si Mae Cruz ang director nila,” ani Karla. After ipalabas ng movie na ‘yan, saka raw eere ang pilot episode ng Pangako Sa ‘Yo on TV.

Then, gagawin ni Daniel ang movie nila ni Vice Ganda for 2015 MMFF. “‘Yung MMFF, I think superheroes sila. So, basically, 2015 puno na hanggang December 31, awa ng Diyos,” sambit niya.

Tila nagustuhan na rin daw ni Daniel ngayon ang paggawa ng movie tungkol sa national hero pagkatapos niyang gawin ang “Bonifacio” with his Tito Robin Padilla.

“Oo, meron tayong gagawin at talagang excited na si DJ. Hindi ko lang alam kung kailan mag-uumpisa dahil nga sa schedule na nagsanga-sanga na. Baka next year pa ‘to.

Kasi si Daniel din ang nagsabi na, ‘Parang Ma hindi ko naman kaya.” Plano nina Karla at Daniel na gawin ang lifestory ng pinakabatang heneral sa Katipunan na si Gen. Gregorio del Pilar.

“Si Robin ang unang nagkwento sa akin. Kinuwento niya sa akin ‘to last year pa. Tapos noong binabasa ko, in-explain ko kay Robin, nagkaroon na ng interes si Daniel.

“Walang interes si DJ  noong araw kasi nga bagito-bagito. Ngayon nakikita niya Tito Robin niya, ‘Bonifacio.’ Nararamdaman niya talaga kung paano maging Pilipino, excited na siyang sumakay doon sa kabayo,” kwento pa ni Karla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bagong tayo na film outfit ng mag-ina na DJP Productions, ang Star Cinema at ang RCP Productions ni Robin ang magpo-produce ng movie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending