Ruffa: Mas gusto kong magpayaman muna para sa future ng 2 anak ko! | Bandera

Ruffa: Mas gusto kong magpayaman muna para sa future ng 2 anak ko!

Ervin Santiago |January 25,2015
facebook
share this

Ruffa: Mas gusto kong magpayaman muna para sa future ng 2 anak ko!

Ervin Santiago - January 25, 2015 - 03:00 AM

ruffa gutierrez
WALA sa isip ni Ruffa Gutierrez ang magpakasal. Hindi raw ito ang priority niya ngayon sa buhay. Mas gusto niya munang magpayaman at  i-secure ang kinakabukasan ng kanyang dalawang anak.

Sa presscon ng bagong Cosmo Skin product na ine-endorse ni Ruffa na ginanap kamakailan sa Luxent Hotel, ipinagdiinan ni Ruffa na ine-enjoy lang niya ang relasyon nila ng kanyang foreigner boyfriend na si Jordan Mouyal.

“I think, in this day and this day in my life, hindi na talaga uso ngayon yung love na talagang mag-e-elope ka or you’re gonna get married. I don’t see myself getting married yet. Maybe, I don’t know, but it’s not my priority.

My priority this year is to make money. I have to be happy and secure my children’s future,” sey ng TV host-actress.
Hangga’t maaari naman ay ayaw nang pag-usapan ni Ruffa ang kanyang lovelife, mas maganda raw kasi yung low profile lang ang relasyon nila ni Jordan para iwas intriga at tsismis.

Pero para sa kanyang fans, lagi naman daw siyang nagpo-post ng pictures nila kapag sila’y magkasama. “I’m not so showy naman on Instagram and I’m not really naman makuwento.

I really want to keep my lovelife private, but I don’t want to hide it also,” chika pa ng aktres. Nasasanay na rin daw ang kanyang boyfriend sa buhay niya bilang celebrity, “I think he’s more open now.

Kasi siyempre, in the beginning, yung mga non-showbiz naman, natatakot sa world mo.  “But once they see na it’s comfortable naman, nasasanay naman, ‘di ba? Lahat ng mga boyfriend na non-showbiz ng mga artista, ang dami na rin nilang followers, ha!” ani Ruffa.

Sa tanong kung umaasa na ba siyang si Jordan na ang makakasama niya forever, tugon ng mommy nina Venice at Lorin, “Hindi ko pa alam. Hindi ko masasabing siya na. Only God knows and only time will tell.”

In fairness, naipakilala na rin ni Ruffa si Jordan sa mga anak niya, “Well, they treat them as my friend. It’s the first time I introduced anyone to my kids. Feeling ko naman, it’s time.”

E, ang mommy niyang si Annabelle Rama, tanggap na ba nito ang relasyon nila ng kanyang dyowa pagkatapos nga nilang magkaroon ng matinding away dahil nga hindi boto si Bisaya kay Jordan?

“Alam n’yo si Mommy, kailangan lang talagang i-train siya. Mommy, ito ang gusto mo, ito ang nangyayari. But I think, she has come to accept the fact na, wala, nandiyan lang siya,” paliwanang pa ni Ruffa.

Samantala, proud na proud naman si Ruffa sa bagong produktong ine-endorse niya, ang Cosmo Skin Premium Collagen na siyang naging sagot para mapanatili ang kanyang fresh and younger-looking skin, sa kabila ng stress.

Sey ni Ruffa, sa tindi ng kumpetisyon ngayon sa showbiz at sa dami ng mga bagong artistang dumarating, kailangan makipagsabayan siya sa mga ito para hindi mawalan ng projects at manatiling sariwa ang itsura sa mga manonood.

Naniniwala kasi siya na kapag pinabayaan ng isang artista ang kanyang sarili siguradong ‘yun na rin ang katapusan ng kanyang career.

Kaya nagpapasalamat siya sa Cosmo Skin dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang tiwala nito sa kanya bilang number one endorser. At ito ngang all-natural na Cosmo Skin Premium Collagen ang bagong ipinagamit sa kanya sa loob ng anim na buwan para masigurong effective sa kanya.

Naniniwala pa rin kasi si Ruffa sa truth in advertising, ayaw niya raw lokohin ang mga tao sa mga produktong ine-endorse niya. Kaya sinisiguro muna niyang effective talaga bago siya pumayag na maging mukha ng isang product.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tiniyak naman niya na wala itong side effects dahil lahat ng sangkap nito ay natural kaya safe na safe gamitin. Present din sa  presscon ang ilang taga-Cosmo Skin, kabilang na sina Nino Bautista at Red Gatus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending