Horoscope, January 25, 2015 | Bandera

Horoscope, January 25, 2015

Madam Sophia |January 25,2015
facebook
share this

Horoscope, January 25, 2015

Madam Sophia - January 25, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Magiging makulay ang araw na ito. Sa pinansiyal, dagdag na pagkakakitaan ang mabubuksan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang mararanasan. Pero dapat na magsimba muna bago i-celebrate ang iyong kaarawan. Mapalad ang 2, 16, 22, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Hindi dapat katamaran ang mga gawain, tapusin na agad. Mas mabilis ginawa mas lalaki ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, pahinga muna sa romansa, mag-ipon ng lakas para sa nalalapit na buwan ng Pebrero. Mapalad ang 7, 16, 18, 26, 34, at 40. Mahigawa mong mantra: “Aum-Nahatha-Mandala”. Green at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Wag ipagkait ang tulong sa iba! Kung lagi kang tumutulong ng walang kapalit lalo kang pagpapalainng tadhana. Sa pag-ibig, matatagpuan ang wagas na ligaya sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Sari-Kara-Sari-Carya.” Yellow at pink ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21) – May magte-text o kaya naman’y mag p-pm sa FB, mula sa ibang bansa may matatanggap kang pagkakaperahan, wag ng umarte arte pa sunggab agad. Sa pag-ibig, nakakikilig ang pagdating ng isang banyaga. Mapalad ang 5, 15, 20, 29, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) –    Kahit malamig ang panahon dapat ka paring gumsing ng maaga upang magkaroon ng mas marami pa at dagdag na grasya. Sa pag-ibig, dobleng kayod ang kailangan, upang sa araw ng mga puso higit na mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 9, 18, 25, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Ophiel.” Blue at lilac ang buenas.

 Leo – (July 23 – August 22) – Sa panahong ito ng Bagong Taon gumising ng maaga at tapusin agad ang mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, wag papatay-patay, romansahing mainam ang minamahal habang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 3, 13, 27, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “ Nakiel, Kedemel, Hagiel.” Red at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –   Hindi dapat tumigil hanggang magtagumpay. Sumugod ng sumugod hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, tandaang ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Mapalad ang 5, 18, 23, 36, 45, at 44. Mahiwaga mong mantra: “I will live this day as if it my last”.  Orange at violet ang buenas.

 Libra – (September 23-October 23)  – Uso ang sakit ngayon! Mag-relaks-relaks, upang wag maubos ang salapi sa pagpapagamot. Sa pag-ibig, tandaang sex at romansa ang pinaka-mabisang pampapalakas ng immune system. Mapalad ang 3, 18, 21, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.”  Green at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –    Ang payapang isip ay nagdadala ng isang maunlad na pamumuhay.  Sa pag-ibig, hayaan mong ang ideya ng kasuyo ang siya namang masunod. Wag ka ng komontra para di na kayo makagalit. Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Dosha.” Violet at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Tandaang sa taong ito ng 2015 ang mga matatapang ang mas mabilis na yumayaman. Sa pag-ibig, kapag nanatili kang duwag, hindi ka magiging maligaya. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Egosum-Timbre.” Red at blue ang buenas.

 Capricorn – (December 22 – January 19) –      Sa pag-ibig, wag tanggihan ang kasuyong humihingi ng pera, dahil bukod sa romansa ang pera ay nakapagbibigay din ng ligaya. Mapalad ang 6, 18, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Maroon at pink  ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) –  Alalahanin mong hindi masamang magpayaman, kaya lang dapat mo ring bigyan ng sapat na panahon ang iyong pamilya. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung wasak naman ang pamilya? Mapalad ang 8, 19, 28, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”.  Olive green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)   – Mag-ipon ng sapat na salapi bago simulan ang binabalak na negosyo. Wag na wag gagawing puhunan sa negosyo ay galing sa utang. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang pakikipag-date sa kasuyo sa nalalapit na araw ng mga puso. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 34,  43. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Grehan.” Gray at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending