Sa wakas, JC de Vera umamin na sa relasyon nila ni LJ Reyes | Bandera

Sa wakas, JC de Vera umamin na sa relasyon nila ni LJ Reyes

Ervin Santiago |January 24,2015
facebook
share this

Sa wakas, JC de Vera umamin na sa relasyon nila ni LJ Reyes

Ervin Santiago - January 24, 2015 - 03:00 AM

lj reyes
Sa wakas, inamin na rin ni JC de Vera na nagde-date nga sila ni LJ Reyes. Matagal nang nababalita na magdyowa na ang dalawa pero pareho silang tumatanggi na pag-usapan ito.

Ayon kay JC ilang buwan na silang “romantically involved” ni LJ at nakilala na ng aktres ang pamilya niya. Sa live episode pa rin ng Aquino & Abunda Tonight noong Huwebes ginawa ni JC ang pag-amin.

Aniya pa tungkol sa estado ng relasyon nila ng Kapuso actress, “We’re very okay. I love being around her.””(We’ve been dating for two months), a little more, pero hindi siya ganoon ka-stable because of work,” ani JC.

Sey naman ng host ng show na si Boy Abunda, nang makausap daw niya si LJ, sinabi nitong, “If we get to a good place, you will know, but at this point I enjoy his (JC) company.”

Sumang-ayon naman dito ang aktor, kasabay ng pagsasabi na pareho na nilang nakuha ang blessing ng kani-kanilang pamilya, “Ang mahalaga doon sa akin, okay siya sa family ko, okay ako sa family niya.”

Hindi rin daw isyu kay JC kung may anak na si LJ kay Paulo Avelino, sa katunayan, isa raw ito sa mga nagpapatibay sa pagmamahal niya sa aktres, “Oo, at mas nakikita ko ‘yung totoong siya (Reyes) pag nakikita ko ‘yung son niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending