Papa Jack: Pag naiinis ako sa caller, sinasapak ko sarili ko! | Bandera

Papa Jack: Pag naiinis ako sa caller, sinasapak ko sarili ko!

Julie Bonifacio |January 24,2015
facebook
share this

Papa Jack: Pag naiinis ako sa caller, sinasapak ko sarili ko!

Julie Bonifacio - January 24, 2015 - 03:00 AM

papa jack
VERY timely ang pagkuha ng TV5 sa sikat na sikat na DJ sa radio ngayon na si Papa Jack. Ang dami-dami kayang listeners sa radio ni Papa Jack especially the masa kabilang na ‘yung mga nagtatrabaho sa gabi gaya ng taxi drivers, security guards, padyak boys, etcetera.

Tiyak na maiiba ang viewing habit ng televiewers every Saturday night kapag nagsimula na ang bagong programa ni Papa Jack sa Happy network starting today, 10 p.m. titled Call Me Papa Jack.

It’s a one-hour program with four segments. Una, dito ilalabas ang bagong side ni Papa Jack kung saan makikipag-interact siya at magi-interbyu sa kanyang celebrity guests tungkol sa kanilang heartaches and break-ups.

Kabilang sa mga unang celebrities na uupo sa hotseat with Papa jack ay sina Manila Vice-Mayor Isko Moreno, TV host-singer Julia Clarete, ang co-star ni Derek Ramsay sa sitcom ng TV5 na Mac & Chiz Bianca King, ang boyfriend ni Andi Eigenmann na si Bret Jackson, Ynna Assitio and many more.

“Noong unang episodes, ni-request ko po talaga sila. Kasi po sila ‘yung mga talagang kaibigan ko na, gaya ni Vice Isko. Magkaibigan po kami.

Ang totoo po niyan si Vice po ay tumatambay po sa booth kapag nagra-radyo po ako. Very lucky na nakilala ko po siya. Very personal ang level ng pagkakaibigan namin ni Vice, walang halong trabaho,” lahad ng DJ sa presscon ng Calle Me Papa Jack.

Abangan n’yo raw ang confession ni Isko kung sino ‘yung aktres na nagdulot sa kanya ng matinding heartache noong nagsisimula pa lang siya bilang artista sa Seiko Films.

Ang name ng aktres ay may initials na letter C. O.. Alam na, ha! And for the rest of the celebrities na nainterbyu naman daw niya, hindi siya namimilit kung ‘di sila willing magkwento about their lovelife.

But at the same time, kailangan ding magpaka-kontrobersyal ng show para mapag-usapan agad at makahatak ng maraming viewers.

“Doon po sa ilang episodes namin, sila po ‘yung nadulas. Nakapag-name drop po sila. Hindi ko na sila kailangang pagsabihan,” ngiti niya.

Ni-reveal daw ng dating PBB housemate na si Bret Jackson kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Andi, while Ynna openly told the story ng break up nila ni Mark Herras, si Julia and Valeen Montenegro naman shared their love problems and even si Bianca raw ay diniskas sa show ni Papa Jack ang tungkol sa lalaking nakipag-break sa kanya sa text, isa itong kilalang aktor sa isang network.

May segment din sa show kung saan may caller na kakausapin si Papa Jack kung saan magkukuwento ito ng kanyang love problem. May reenactment daw sa portion na ito pero visual support lang para ma-visualize lang ng viewers ang kuwento ng caller.

Kilalang matapang at nakakapag-bitiw ng ‘di magagandang salita si Papa Jack kapag nagbibigay siya ng advise sa kanyang caller on radio.

Kaya ang tanong, can the televiwers expect the same “okrayan” na ginagawa niya sa radio at handa na ba siyang ma-MTRCB.
“Sa mga na-tape na po namin, ah, first of all hindi po ako naiinis sa radio ng walang dahilan.

Ayokong mag-trip lang sa kausap ko. Pero we let the people para ilabas nila kung anuman ‘yung natural. Kung gaano ako katapang sa ginagawa ko on-cam, I don’t think, I have yet to see kung kaya kong ipakita on cam, kung gaano ang  temper ko.

“Hindi ko po alam, e. Parang iba po ako kapag nainis ako. Kasi kapag sa radio po ako, sinasapak ko ang sarili ko. Ha-hahaha! Kapag galit po ako sa radio, galit po talaga ako. I catch my breath.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero hanggang doon lang po ‘yun. Umuuwi pa rin ako ng masaya,” sagot niya. ‘Yan ha, patikim pa lang ‘yan ng mga litanya ni Papa Jack. Kaya expect more sa kanyang Call Me Papa Jack at huwag kalimutan, simula na siya ngayong Sabado ng gabi sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending