Papa Jack: Totoo, meron akong 2 kapatid na bading! | Bandera

Papa Jack: Totoo, meron akong 2 kapatid na bading!

Ervin Santiago |January 23,2015
facebook
share this

Papa Jack: Totoo, meron akong 2 kapatid na bading!

Ervin Santiago - January 23, 2015 - 03:00 AM

PAPA JACK

PAPA JACK

IPINAGMALAKI ng sikat na sikat nang radio personality na si Papa Jack na meron siyang dalawang kapatid na bading.

Sa presscon ng bagong programa ng TV5 para sa 2015, ang Call Me Papa Jack, sinabi ng kontrobersiyal na DJ na malapit talaga siya sa mga member ng third sex kahit noon pa dahil meron siyang dalawang kapatid na bading.

“Mas gusto ko nang magkaroon ng kapatid na bading na napapakinabangan ng society kesa naman sa mga sira-ulo, di ba?” ani Papa Jack na game na game sumagot sa lahat ng mga ibinabatong tanong ng entertainment media.

Kasabay nito, diretso ring sinabi ni Papa Jack sa harap ng media na meron siyang anak sa pagkabinata. Hindi raw sila nagsama nu’ng nanay ng kanyang anak na babae, pero maayos naman ang samahan nila ngayon. Sa katunayan naging kaibigan din ng asawa niya ang mother ng kanyang baby.

Tinanong din si Papa Jack kung hindi raw ba nagseselos ang asawa niya kapag meron siyang nilalanding callers sa kanyang radio show tuwing gabi kung saan nagbibigay siya ng payo sa mga tumatawag sa kanya na naglalahad ng kanilang mga kuwento tungkol sa pag-ibig at pagkabigo.

“Noon aaminin ko may ganyan. Hindi ako magpapakaplastik. Ha-hahaha! Pero nu’ng magpakasal na kami, itinigil ko na. Wala na. It’s not because she asked me to, sariling desisyon ko na rin ‘yun. Ayoko nang mag-alala pa siya, gusto kong ibigay sa kanya yung security sa relasyon namin,” paliwanag pa ng bagong TV5 artist.

Anyway, tiyak na mas dadami pa ang manghihingi ng payo sa tinaguriang love guru ng bayan ngayong nasa telebisyon na siya sa pamamagitan nga ng Call Me Papa Jack na magsisimula na bukas (Jan. 24) sa TV5. Of course, isa pa rin itong love advice at talk-variety program na tiyak na mas ikagugulat ng bayan.

Bukod sa dagdag pang kasiyahan, kulitan at kiligan na masusubaybayan ng viewers sa bagong programa ni Papa Jack, hindi rin dapat palampasin ang kanyang mga bagong quotable quotes, mas tagos-puso pang love advice at mga prankang payo habang kausap via phone patch ang ilang mga indibidwal na may mga kakaibang love stories na siguradong ikawiwindang ng buong bayan.

Ang mga nag-aakala namang kilalang-kilala na nila si Papa Jack ay mas lalo pang mamamangha habang kausap niya in person ang ilang mga kontrobersyal at sikat na artista at personalidad sa showbiz na ngayon lang din magbabahagi ng kani-kanilang mga kuwento ng kabiguan pagdating sa pag-ibig.

Every week ay may aabangang panibagong celebrity guest na bukod rin sa pagkukuwento ng kanilang love stories ay sila ring tutulong kay Papa Jack na magbigay ng payo sa mga guest callers ng programa. Ang ilan sa magiging special guests ni Papa Jack ay sina Manila Vice Mayor Isko Moreno, actress-musician-TV host Julia Clarete, Mac & Chiz star Bianca King, ang kontrobersiyal teen heartthrob na si Brett Jackson, at si Ynna Asistio.

Higit pa rito, magkakaroon din ng iba pang exciting segments ang programa na tiyak na magiging patok sa mga manonood. Isa na rito ang Online Ligawan, kung saan mapapanood ang video confessional tampok ang mga taong buong tapang na inihahayag sa telebisyon ang kanilang damdamin sa kanilang iniibig. Magkakaroon din ng Jamming with Papa Jack, kung saan magpapakitang-gilas pagdating sa kantahan si Papa Jack, kasama ang kanyang celebrity guests. At syempre, hindi rin mawawala ang kanyang sikat at inaabangang Papa Jack Quotes tungkol sa pag-ibig.

Magsisimula na ang Call Me Papa Jack ngayong Sabado, 10 p.m. sa TV5.

Teka lang, alam n’yo ba dear readers na may isang hindi malilimutang experience si Papa Jack kamakailan kung saan isang listener ng kanyang radio show ang personal na pumunta sa istasyon nila para harapin siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi niya, iniwan daw siya ng misis niya dahil sa akin. Of course, nabigla ako, pero I said sorry. But I told him, kung siya ba ako, ano ang ipapayo niya sa asawa niya? Sabi niya, ‘I will also tell her na iwan ako!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending