Angelica hindi trip maging BF si JM: Tropa-tropa lang! | Bandera

Angelica hindi trip maging BF si JM: Tropa-tropa lang!

Ambet Nabus |January 23,2015
facebook
share this

Angelica hindi trip maging BF si JM: Tropa-tropa lang!

Ambet Nabus - January 23, 2015 - 03:00 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT JM DE GUZMAN

ANGELICA PANGANIBAN AT JM DE GUZMAN

Speaking of the said movie title, “That Thing Called Tadhana” na naging entry sa nakaraang Cinema One Originals last year, magkakaroon na ito ng nationwide release come Feb. 4.

Tuwang-tuwa ang lead actors ng movie lalo na ang Best Actress winner na si Angelica Panganiban dahil finally daw ay mas marami ng tao ang magkakapanood nito. Ang pelikula ang tungkol sa dalawang taong nagkatagpo sa panahong pareho silang bigo sa pag-ibig.

“Lahat tayo ay nakaranas somehow ng ganu’n. Sabi nga sa kanta ni Tiyang Whitney Houston, where do broken hearts go?” ani Angelica na twice nanalo ng Best Actress para sa nasabing pelikula, kung saan naka-tie pa niya si Nora Aunor sa isang award-giving body.

Sa kanila ni JM de Guzman umiikot ang kuwento at inamin ni Angelica na noong una ay nagkaroon siya ng hesitation kung keri ng anak-anakan naming si JM na maging leading man niya.

“Pero noong magkatrabaho na kami, okey naman pala. Siyang-siya yung karakter sa movie,” biglang bawi ng aktres.
Personal favorite din ng direktor-writer nitong si Antoinette Jadaone ang movie for the simple reason na talaga raw super-relate siya sa lahat ng mga eksena rito. At bilang lumaki sa awitin ng iconic singer na si Whitney Houston na “Where Do Broken Hearts Go”, na siyang theme song ng movie, sey pa ni direk, “I feel like living again noong mga panahong na-in love ka for the first time, at na-broken hearted ka, pero nag-try kang maka-move at muling makatagpo ng bagong mamahalin.”

“Sa isip po siguro madaling sabihin na kahit sinong lalaki naman ay mabibighani kay Angelica, pero kapag ligawan na, baka sa waley rin mapunta kasi nga iba siya, iba ang personalidad niya, iba ang aura niya kapag na-friend zone ka na,” ang sagot naman ni JM sa hypothetical question na if ever na kapwa single sila ng leading lady niya sa movie ay liligawan ba niya ito?

Mabilis kasing sinabi ni Angelica na hindi niya nakikita ang sarili na mai-in love kay JM kung sakaling wala pang John Lloyd Cruz sa buhay niya.

“Ewan ko pero, iba eh. Hindi lang siguro siya yung hinahanap ko. Saka na-friend zone na agad kami sa simula pa lang. Parang tropa agad ang dating,” dugtong pa ng bidang aktres sa “That Thing Called Tadhana.”

Ang naturang movie nga ang kauna-unahang pelikula ni JM after niyang makalabas sa rehab.

Ibinalita niyang masusundan pa ito ng ilang indie movies this year, ang isa nga ay may temang kabadingan kung saan magkakaroon sila ng maiinit na eksena ni Edgar Allan Guzman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa ‘yan sa ilang TV guestings niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending