Wish ni Piolo: makabuntis at magka-baby uli | Bandera

Wish ni Piolo: makabuntis at magka-baby uli

Ambet Nabus |January 21,2015
facebook
share this

Wish ni Piolo: makabuntis at magka-baby uli

Ambet Nabus - January 21, 2015 - 03:00 AM

piolo pascual
TANGGAP na ni papa Piolo Pascual na sa kanyang edad at estado sa showbiz ay hindi na niya inaasam ang magkaroon ng mga proyektong magdudulot lang ng problema sa kanyang kalusugan, malilisyosong isyu at stress dahil sa problema sa kanyang iskedyul.

“Hindi na tayo bumabata. Hindi na para sa atin ang mga proyektong sunod-sunod o mga teleserye after soap, movies after movies,” sey ng guwapo at mahusay na aktor sa presscon kamakailan ng bago niyang endorsement, ang Silka.

Ideal na raw sa kanya yung makagawa siya ng isang soap na susundan ng isang movie o isang concert na susundan ng ilang guesting sa TV like MMK, at siyempre ang regular hosting job niya sa ASAP.

“Hindi na kinakaya ng katawan natin. Mahirap yung re-charge nang re-charge sa gitna ng projects. Hindi lang nakaka-drain, mauubos ka talaga,” sey pa ni Papa P, sabay kumpirma sa isyung hindi na nga matutuloy ang proyektong dapat ay pagsasamahan nila ni Sarah Geronimo.

“May iba silang plano. I can’t speak for Star Cinema pero shelved muna yung sa amin ni Sarah. Siyempre I still wish to work with her,” hirit pa nito. Kaya nga raw bilang kapalit sa supposedly Valentine treat niya sa kanyang followers ay aapir siya bilang guest sa concert ni Zsa Zsa Padilla on Feb. 14.

At dahil love month na naman, natural na maitanong muli namin sa kanya ang isyu sa buhay pag-ibig niya, “Nandiyan na naman tayo, eh. Ha-hahaha! Pero I’m taking it slowly at dapat sigurado na.

Dream ko na ring magkaroon ng kapatid si Iñigo,” anunsyo pa ni Piolo. Well, sa estado nga ngayon ni Papa P, aminado na rin siyang kailangan na niyang mag-catch-up para makarami pa kung saka-sakali.

Sayang naman ang lahi niya, di ba kapatid na Ervin kung hindi niya pararamihin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending