LOVI hindi uhaw sa lalaki! | Bandera

LOVI hindi uhaw sa lalaki!

|April 25,2012
facebook
share this

LOVI hindi uhaw sa lalaki!

- April 25, 2012 - 04:13 PM

KAHIT walang boyfriend, maligaya naman daw si Lovi Poe sa kanyang buhay.

Hindi naman daw niya hinahanap ang pagkakaroon ng boyfriend dahil napakarami naman daw niyang trabaho ngayon.

Paulit-ulit ding sinabi ni Lovi na hindi sila nagkabalikan ni Ronald Singson at wala pa siyang sinasagot sa mga lalaking nanliligaw sa kanya.

Basta ang importante sa kanya ngayon ay ang magagandang projects na dumarating sa kanya.

Kababalik lang ng aktres sa Manila mula sa ilang araw na pagsu-shooting sa Bongao, Tawi-Tawi para sa pelikulang “Thy Womb” na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Halos isang linggo silang naglagi roon para sa mga mahahalagang eksena ng pelikula sa direksiyon ng internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza.

Mga Badjao ang papel nina Lovi at Ate Guy sa movie.
Inamin ni Lovi na talagang na-starstruck siya kay Ate Guy, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakasama niya ang Superstar sa isang proyekto.

At ang wish ng aktres, sana raw ay magkasama silang muli ni Ate Guy sa iba pang projects.

Anyway, consistent pa rin sa ratings game ang teleserye nina Lovi, Heart Evangelista at Alessandra de Rossi na Legacy sa GMA TeleBabad.

In fairness, mas lalong umiingay ang serye dahil sa mga nakakalokang eksena at mga kadramahan ng mga bida at kontrabida sa kuwento.

Ngayong gabi sa Legacy, lasing na lasing na si Diana (Heart) at mawawalan ng malay.

Sa pag-alalay sa kanya ni Iñigo (Sid Lucero) ay magkakalapit ang mukha ng dalawa.

Kahit naman si Natasha (Lovi) ay kinakabahan sa kung anuman ang sasabihin ni Third.

Nabigla ang lahat ng ianunsyo nito na ikakasal na sila ni Natasha.

Nakahinga si Natasha dahil hindi ang sikretong kinatatakutan niya ang nasiwalat. Pero hindi rin siya masaya sa ibinalita ni Third.

Palapit nang palapit ang mukha ni Iñigo kay Diana hanggang sa tumigil ang binata.

Hindi niya sasamantalahin ang pagkakataon. Patuloy niyang aalagaan si Diana.

Mapagdedesisyunan na rin ni Diana na humingi ng tawad kay Josh.

Wala namang ibang sasabihin si Inigo kung hindi sundin ni Diana ang puso nito.

Gulung-gulo naman si Natasha. Alam na niyang hindi niya masasandalan si Eva.

Payag ito sa kasal nila ni Third. Kay Bernadette (Alex) na lang ito tatakbo.

At ayon kay Bernadette, kung ayaw talaga pakasal ni Natasha ay dapat sabihin na nila iyon kay Romualdo.

Mapapaisip si Natasha sa sinabi ng kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending