Bimby tinawag na bakla, Kris nagwala sa galit | Bandera

Bimby tinawag na bakla, Kris nagwala sa galit

Ervin Santiago |January 18,2015
facebook
share this

Bimby tinawag na bakla, Kris nagwala sa galit

Ervin Santiago - January 18, 2015 - 03:00 AM

bimby aquino
Galit na galit si Kris Aquino sa mga nambu-bully sa kanyang anak na si Bimby gamit ang social media, lalo na sa mga nagsabing bading ang bagets.

Niresbakan ng Queen of All Media ang lahat ng mga tumawag na “toyab” kay Bimby na kapag binaligtad mo ay bayot, salitang Visaya na ang kahulugan ay bading.

Nagsimula ang pang-ookray kay Bimby matapos ipost ni Kris ang birthday greeting ng anak para sa co-star nito sa “The Amazing Praybeyt Benjamin” na si Alex Gonzaga.

Ayon sa Instagram post ng naimbiyernang TV host-actress, “Alam niyo kung balak nyong bastusin ang anak ko, do it ng harap harapan. Kasi hindi ko kayo aatrasan. Super nag PRAY ako today.

Pero kahit sinong nanay kung anak na 7 years old ang aapihin, papatol at handang RUMESBAK.” Ngunit ilang sandali lang ay na-delete na rin ang nasabing mensahe sa IG ngunit may mga nakapag-save nito sa kanilang account na siyang kumalat sa ilang social networking sites.

Ilang followers naman ni Kris ang nagpayo sa kanya na huwag nang patulan ang mga namba-bash sa kanyang anak, pero ang sagot ng TV host, “If I ignore, I’m not doing my job of protecting my son. Ang DUWAG eh.”

Natuwa naman si Kris nang mabasa ang paghingi ng sorry ng ilang netizens na nang-okray kay Bimby. Isa sa mga ito ay sinagot ni Kris ng, “Apology accepted,” Aquino answered back. “But please don’t bully a 7-year-old who was just greeting a person we’ve come to love happy birthday.”

Para sa amin, may karapatang magwala sa galit si Kris dahil nananahimik nga naman ang kanyang anak at wala naman itong ginagawang masama sa kanyang kapwa.

Agree rin kami kay Kris sa sinabi niya na isa siyang nanay kaya handa siyang gawin ang lahat para maipagtanggol ang bagets.
Kaya lesson learned, tulad ng payo ng GMA 7 sa mga netizen, “think before you click!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending