Engrandeng Marian-Dingdong royal wedding mapapanood na sa GMA 7 | Bandera

Engrandeng Marian-Dingdong royal wedding mapapanood na sa GMA 7

Ervin Santiago |January 17,2015
facebook
share this

Engrandeng Marian-Dingdong royal wedding mapapanood na sa GMA 7

Ervin Santiago - January 17, 2015 - 03:00 AM

dingdong dantes marian
SAKSIHAN ang pinakaaabangang kasalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil ihahandog  ng GMA Network ang two-part wedding special ng paboritong couple ng mga Pilipino na mapapanood ngayong gabi, at sa Jan. at 24, 8:15 p.m. pagkatapos ng Magpakailanman.

Ipakikita sa two-part special na ito ang pag-iisang dibdib nina Dingdong at Marian na nabuo at natupad dahil sa pagmamahalan nilang dalawa at sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Ang kanilang love story ay isang pagpapatunay ng kanilang wagas na pag-iibigan sa isa’t isa at ang kanilang pangako na magmamahalan habang buhay.

Ito ay natupad ng basbasan ng Panginoon ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng Sakramento ng Kasal na ginanap noong Dec. 30, 2014.

Sa unang part ng special na pinamagatang “Dingdong and Marian Wedding Special The Ceremony”, ipakikita sa lahat ng mga manonood ang seremonya ng kasal sa Immaculate Conception Cathedral, ang wedding attire nila Dingdong at Marian, ang pinakahihintay na entrance ni Marian sa simbahan pati na rin ang kanilang unang kiss bilang mag-asawa.

Ipasisilip din ang mga preparasyon at nakatutuwang eksena bago ang kasal at ang mga mensahe ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Matutunghayan din ang dramatic entrance ni Dingdong sa simbahan at ang pinakahihintay at pinaka-aabangang paglalakad ni Marian sa altar.

Habang sa Enero 24, tunghayan ang second part ng special na pinamagatang “Dingdong and Marian Wedding Special THE CELEBRATION.”

Mapapanood dito ang naging masayang selebrasyon at wedding reception sa SM Mall of Asia Arena pagkatapos ng church ceremony.

Masisilayan din ang 3D-mapped wedding cake na nagpapakita ng iba’t ibang prenuptial videos ng mag-asawa sa Pampanga at Dubai at ang espesyal na short film na ginawa ng isa sa ninang nina Dingdong at Marian, si Bb. Joyce Bernal.

Ipapakita rin ang surprise gifts nina Dingdong at Marian sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending