Gerald handa nang pakasalan si Maja | Bandera

Gerald handa nang pakasalan si Maja

Ervin Santiago |January 17,2015
facebook
share this

Gerald handa nang pakasalan si Maja

Ervin Santiago - January 17, 2015 - 03:00 AM

gerald anderson
MUKHANG sa kasalan na nga mauuwi ang relasyon nina Maja Salvador at Gerald Anderson, ha!

E, kasi nga, ipinakilala na ng Kapamilya hunk actor ang kanyang girlfriend sa kanyang pamilya at ilang mga kaanak sa General Santos City. Nagbakasyon ang magdyowa sa GenSan nitong nakaraang holiday season at talaga raw nag-enjoy si Maja sa probinsiya nina Gerald.

Sa presscon ng latest movie ni Gerald under Star Cinema, ang erotic-suspense-drama na “Halik Sa Hangin” kasama sina Julia Montes at JC de Vera, ikinuwento nga ng aktor ang pagpunta nila sa GenSan.

“Ipinakita ko lang kung saan ako lumaki. Hindi yata niya first time (sa GenSan), pero yes, first time na isinama ko siya roon,” simulang kuwento ng binata sa ilang entertainment reporters.

Sey ng Kapamilya leading man, sinamantala lang daw nila ni Maja ang pagkakataon nu’ng wala silang masyadong trabaho bago matapos ang 2014.

Todo-bonding daw ang ginawa nila sa GenSan kasama ang kanyang pamilya at ilang mga kamag-anak.  “It’s always good to go home kung saan tayo lumaki at makikita natin yung mga dati nating kaibigan at pamilya.

Nag-camping kami which is first time for me. Ang saya!” nakangiting pahayag pa ni Gerald.  Okay naman daw ang relasyon ni Maja sa kanyang pamilya, pero hindi niya itinagong isang mahabang proseso ang pagkilala sa kani-kanilang pamilya, “Yeah, okey naman.

Kumbaga, day by day naman. It’s a process. Ganu’n talaga ang relasyon.” “Sobra lang kaming nagpapasalamat sa lahat ng blessings. And may panibago akong blessing sa simula pa lang ng taon.

What else can I ask for?” chika pa nito. Feeling namin, naghahanda na rin si Gerald sa kasal nila ni Maja kaya ipinakilala na niya ito sa kanyang family sa GenSan.

Pero ayon sa binatang aktor, hangga’t maaari talaga ay ayaw niyang magdetalye tungkol sa relasyon nila ni Maja, ayaw niya lang daw maging maramot sa press kaya ibinahagi rin niya ang bakasyon nila sa GenSan.

Sa katunayan, walang masyadong ipinopost na pictures ang magdyowa sa kanilang Instagram account na magkasama sila. Tulad halimbawa ng pagpunta nila ni Maja sa GenSan, puro larawan ni Gerald at ng kapatid niyang si Ken kasama ang mga kaibigang lalaki ang naka-post sa IG.

Paliwanag dito ng binata, “Yeah, hindi nga masyado (nagpo-post ng litrato nila ni Maja). Alam niyo naman na siguro kung bakit, ‘di ba? Private na lang po yun. Kung anong naise-share ko sa public, tulad nito, sana po maka-inspire sa iba.”

Samantala, siniguro naman ni Gerald na wala raw dahilan para magselos si Maja sa leading lady niya sa pelikulang “Halik Sa Hangin” na si Julia Montes.

Hindi rin naman nakilala si Julia bilang “ahas” o mang-aagaw ng dyowa nang may dyowa. Though medyo sensual o erotic ang movie, hindi naman daw ito ang focus ng kuwento ng pelikula.

Isa itong love story tungkol sa isang babaeng maiipit sa dalawang lalaki, “Yes, it’s a different kind of love story na may external force na magpi-prevent du’n sa pagmamahalan ng mga karakter namin nina Julia and JC. Ibang force ang hahadlang sa pag-iibigan ng tatlo kaya siya may horror element,” ani  Gerald.

Ayon naman kay Julia, “Actually, ibang-iba talaga ang role ko rito sa previous movies na nagawa ko. It’s a horror love story and at the same time, it’s a coming-of-age film kasi sa kuwento yung character ko na si Mia first time niyang mai-in love.”

“Mayroon silang mga dapat abangan. At ang nakaka-excite kasi, yung ilang eksena ko sa movie never ko pang nagawa. Lahat ng stories sa movie na ito is about love and horror.

And sa character ko, ano ang naghi-hinder sa akin sa love? Ano ang parang pumipigil sa akin na ma-in love? Bakit hindi ko maipaglaban yung pagmamahal ko?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Halik Sa Hangin” ay sa direksiyon ni Manny Palo at showing na sa Jan. 28 nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending