Hayden kay Katrina: Gusto kong magkita at magkausap uli kami! | Bandera

Hayden kay Katrina: Gusto kong magkita at magkausap uli kami!

Ervin Santiago |January 15,2015
facebook
share this

Hayden kay Katrina: Gusto kong magkita at magkausap uli kami!

Ervin Santiago - January 15, 2015 - 03:00 AM

hayden kho
SIYEMPRE, tuwang-tuwa si Dr. Hayden Kho nang malaman niyang handa na raw makipag-ayos sa kanya ang dating sexy actress na si Katrina Halili.

In fairness, mukhang tuluy-tuloy na nga uli ang buhos ng swerte sa boyfriend ni Dra. Vicki Belo. Pagkatapos siyang ma-reinstate bilang doktor ay kinuha pa siya ng TV5 para sa bagong programa nito tungkol sa health and beauty, ang Healing Galing kung saan makakasama niya ang magaling na radio anchor na si Dra. Edinell Calvario.

Bukod dito, mukhang magkakabati na rin sila ni Katrina matapos kumalat at pagpiyestahan ng buong mundo ang  sex video nila ilang taon na ang nakararaan.

Nakarating kay Hayden na ready na raw si Katrina na ayusin kung anuman ang dapat nilang ayusin para magkaroon na rin ng closure ang nangyari sa kanila noon.

“Kung totoo man ‘yan, e, di masaya ako. Sa akin, yun din naman ang gusto kong mangyari. Sana magkaroon kami ng pagkakataon na maisarado na yung isyu na ‘to between the two of us.

Ako naman, gusto ko nang maayos na ang lahat, wala nang gulo, ‘di ba?  “Dapat lang naman na magkausap kami, at kung pagpalain ng Diyos, sana matuloy na mag-usap kaming dalawa.

Malamang kasama si Vicks (Vicki Belo) para malinis lang lahat,” ang naging pahayag ni Hayden nang mainterbyu ng press sa grand launch ng mga bagong programa ng TV5 kamakalawa ng gabi.

Dito inamin din ni Hayden na last year pa siya nag-reach out kay Katrina para makapag-usap sila nang masinsinan, pero hindi pa raw handa ang aktres  na makipagharap sa kanya.

Nakita rin daw niya si Katrina sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera pero hindi raw niya ito nilapitan dahil maraming camera sa paligid, “Para sa akin, magbabati kami, mas maganda in private kesa yung in public.

Para wala nang masabi ang mga tao na baka for show lang ‘yan. Plastikan lang ‘yan, showbiz lang ‘yan…huwag na. Ayoko din makaagaw pa ng eksena in a way.”

Samantala, araw-araw mapapanood ang Healing Galing nina Hayden at Dra. Edinell, 10 a.m. sa TV5 simula sa darating na Lunes. Ito ang TV counterpart ng hit radio programa ni Edinell Calvario na nagbibigay payo sa mga kababayan natin na may mga problema sa kalusugan.

Araw-araw magbibigay ng tips at mahahalagang advice sina Hayden at Edinell sa mga manonood para maging malusog ang pamilya without spending too much.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibig sabihin, libreng health advice na ang makukuha sa programa, matututo pa kayong magtipid. Winner na winner, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending