Bimby kinagat ng asong regalo ni Derek; propessor nabwisit sa kadramahan ni Kris | Bandera

Bimby kinagat ng asong regalo ni Derek; propessor nabwisit sa kadramahan ni Kris

Cristy Fermin |January 15,2015
facebook
share this

Bimby kinagat ng asong regalo ni Derek; propessor nabwisit sa kadramahan ni Kris

Cristy Fermin - January 15, 2015 - 03:00 AM

kris aquino
Isang kaibigang propesor ang tumawag sa amin nu’ng isang araw, natatawa itong naiinis sa bagong kuwentong inilabas ni Kris Aquino sa kanyang social media account, tungkol ‘yun sa pagkakagat ng regalong aso ni Derek Ramsay sa kanyang anak na si Bimby Yap.

Isang pagkahaba-habang “Haaaaaaaayyyy!” muna ang pinakawalan ng aming kausap bago ito naglitanya. Ano raw ba naman ‘yan, pati ba ang mga ganu’ng pangyayari sa kanilang buhay ay kailangan pang ipagbanduhan sa buong bayan ng aktres-TV host?

“Natatawa akong naiinis dahil sa pagkarami-raming kaganapan sa ating bayan, e, kahit ano na lang, ipinagbabanduhan na ni Kris!“Kinagat daw ng asong regalo ni Derek ang anak niya, and soooooo???” parang nakainom ng isang basong purong-purong calamansi na reaksiyon ng kaibigan naming propesor.

Ano pa raw ba ang hindi na lang ipinaglaladlaran ni Kris, ang kanyang pag-upo sa inodoro, meron pa bang iba? Wala na raw kasing itinitira si Kris para sa kanyang sarili.

“Hindi yata niya alam na kahit paano, e, may iniiwanan dapat ang kahit sino para sa sarili niya. Okey, isa siyang public figure, interesado ang mga kababayan natin sa mga nangyayari sa buhay niya, pero dapat, e, meron din naman siyang itinitira para sa sarili lang niya!

“Kinagat ng tuta na regalo ni Derek ang anak niya, kumpleto naman sa booster ang tuta, pero gusto niyang magpa-inject pa rin si Bimby. Tama ‘yun!

“Pero sana, e, ipinagawa na lang niya, hindi na niya inilagay pa sa mga accounts niya, ‘yun naman ang nakakaloka talaga kay Kris Aquino!

“Lahat na lang, ibinubuyangyang niya, lahat na lang ng kilos niya, nalalaman ng publiko! Lahat na lang, lahat na lang!” tawa kami nang tawa sa gigil na gigil na reaksiyon ng kaibigan naming propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending