Rich na talaga: Daniel papasukin na ang pagpo-produce ng Pelikula | Bandera

Rich na talaga: Daniel papasukin na ang pagpo-produce ng Pelikula

Reggee Bonoan |January 15,2015
facebook
share this

Rich na talaga: Daniel papasukin na ang pagpo-produce ng Pelikula

Reggee Bonoan - January 15, 2015 - 03:00 AM

daniel padillla
SA mga kabundukan pala ng probinsiyang Rizal ang location ng “There Was A Boy There Was A Girl” movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo base sa tsika sa amin nang isang staff ng Star Cinema habang binabaybay nila ang daan patungong Angono.

Matatandaang kailan lang namin nasulat na naglo-location hunting pa ang production staff ni direk Mae Cruz at heto’t nakahanap na nga sila at kung hindi kami nagkakamali ay kahapon nagsimula ang shooting nina Daniel at Kathryn.

Na-post sa social media ang litrato ni Daniel na naka-orange shirt at marami ang nagulat dahil ang taba raw ngayon ng binata.
Timing naman na nakita namin ang mama ni DJ na si Karla Estrada sa ABS-CBN hallway noong Martes ng hapon at nabanggit nga namin sa kanya na tumaba ang binata.

“Lumalaki na rin kasi si DJ kaya akala n’yo mataba, pero hindi.  Tumaas lalo at nagkalaman nang husto kaya ganu’n,” natawang sabi ng nanay ng batang aktor.

Kinumusta namin sa kanya ang shooting ng latest movie nina Daniel at Kathryn at tinanong na rin kung bakit na-delay ang taping ng Pangako Sa ‘Yo, aniya, “Ay hindi, patatapusin lang ang shooting ng movie nila ni Kath, tapos start taping na sila ng Pangako at araw-araw ‘yun kasi kailangan marami silang bangko dahil airing na sila ng March or April yata.”

Nalaman din namin na sina Vice Ganda at Daniel Padilla na ang magsasama sa pelikula para sa 2015 Metro Manila Film Festival produced ng Viva Films at Star Cinema, “At DJP Productions na! Yes, sososyo na si DJ sa movie niya para pandagdag kabuhayan na,” masayang sabi ni Karla.

Sabi namin, finally matutuloy na ang tambalang Vice at Daniel na dapat sana ay noong nakaraang taon pa nagawa base na rin sa tsika sa amin ng isang taga-ABS-CBN pero biglang nabago ang plano at naging sina Richard Yap at Bimby na ang nakasama ng TV host-comedian.

Bongga si Daniel dahil pinasok na rin pala niya ang pagpo-produce ng sariling pelikula, “Oo para mas masaya,” sambit sa amin ng proud mom ng batang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending