KathNiel teleserye naurong dahil sa Forevermore | Bandera

KathNiel teleserye naurong dahil sa Forevermore

Reggee Bonoan |January 13,2015
facebook
share this

KathNiel teleserye naurong dahil sa Forevermore

Reggee Bonoan - January 13, 2015 - 03:00 AM

daniel padilla

Bagama’t hindi diretsong inamin ng isang taga-ABS-CBN, mukhang totoo ngang ang maraming commercials at mataas na rating ng Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano ang dahilan kung bakit naurong ang airing ng seryeng Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Hindi pa rin naman nagte-taping sina DJ at Kath dahil tumayming din ang series of out of town at out of the country shows nila kaya maganda rin na na-delay ang airing ng bago nilang soap.

Kung hindi kami nagkakamali ay baka second quarter daw ng 2015 ang target airing sana nito. As of now ay ginagawa na nina Daniel at Kathryn ang pang-post Valentine movie nila under Star Cinema mula sa direksyon ni Mae Cruz.

Tinanong namin kung saan ang locations ng pelikula dahil sa pakiwari namin ay shooting din ang dahilan kung bakit nagtagal sa ibang bansa ang KathNiel bukod sa mga show nila.

Marami kasing kuhang masayang-masaya sina Daniel at Kathryn sa ibang bansa na nai-post sa social media kaya duda namin ay mga eksena ito sa ginagawa nilang pelikula.

Kaya habang wala pang serye ang KathNiel ay magpepelikula muna sila para hindi mainip ang kanilang supporters na walang sawa sa pangungulit kung kailan nila talaga mapapanood ang Pangako Sa ‘Yo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending