PACMAN manhid na raw sa mga panlalait sa kanya | Bandera

PACMAN manhid na raw sa mga panlalait sa kanya

|April 21,2012
facebook
share this

PACMAN manhid na raw sa mga panlalait sa kanya

- April 21, 2012 - 04:14 PM


Ngayong gabi, kilalanin sa Manny Many Prizes si Marietta Siervo.

Dati siyang nagtatrabaho bilang kasambahay ngunit kinailangang tumigil sa pagtatrabaho nang siya ay magkaroon ng goiter at high blood.

Ang tanging hiling niya lang ay muling makita ang pamilyang naiwan sa Samar na hindi niya na nakita sa loob ng kulang dalawang dekada.

Abangan ang surpresa at regalong inihanda ni Ninong Manny Pacquiao para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Samantala, tiyak na di kakayanin ng mga manonood ngayong Sabado ang hot and sexy number nina Gian Magdangal at Rochelle Pangilinan.

At ang batang si Isaac Zamudio, magbabalik para sa panibagong hamon ng Boksing-a-long! May bago kayang bagets na ma-discover si Ninong!?At siyempre, iikot at mamamakyaw rin ang mga tropa ni Ninong para sa Pacquiaone, Pacquiaowin.

Mas mag-iinit ang Ball Pick–up sa hot na hot na magkapatid na sina Ehra at Michelle Madrigal.

Magkaroon na naman kaya ng bagong milyonaryo ngayong Sabado? Lahat ng ‘yan sa Manny Many Prizes pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Anyway, hindi raw titigil si Pacman sa pagtulong sa mga mahihirap sa kabila ng mga negatibong chika tungkol sa kanya, lalo na sa mundo ng politika.

Naniniwala si Pacquiao na titigil din ang mga paninirang naglalabasan about him.

Kung anu-ano kasing kasiraan ang naglalabasan tungkol kay Pacman dahil sa paglipat-lipat niya ng partido, pero ayon sa kanyang kampo hindi raw ito magiging dahilan para itigil niya ang kanyang pagseserbisyo-publiko, at lalong hindi raw ito magiging hadlang sa pagtulong niya sa mga mahihirap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending