Liza pinaiyak ni Enrique sa taping ng Forevermore | Bandera

Liza pinaiyak ni Enrique sa taping ng Forevermore

Ervin Santiago |January 05,2015
facebook
share this

Liza pinaiyak ni Enrique sa taping ng Forevermore

Ervin Santiago - January 05, 2015 - 03:00 AM

liza soberano

NAPAIYAK ang Kapamilya teen star na si Liza Soberano nang sorpresahin ng kanyang ka-loveteam na si Enrique Gil sa kanyang 17th birthday kahapon.

Hindi napigilan ng dalagita na mapaluha nang malamang si Enrique mismo ang nagplano at nakipag-usap sa mga kasamahan nila sa taping ng number one teleserye ngayong  Forevermore sa  isang lugar sa Tuba, Benguet para sa surprise birthday treat na
iyon.

Ang buong akala kasi ni Liza ay siya lang ang magho-host ng isang set tour sa taping nila, siya ang natoka na mag-explain sa mga nagpanggap na mga turista kung paano tumatakbo ang taping nila roon.

Wala siyang kaalam-alam na bahagi na pala yun ng sorpresa ni Enrique para sa kanyang ika-17 kaarawan. Nang makarating na sila sa isang tent sa location ay doon na sinalubong si Liza ni Enrique at ng buong production team.

“Alam ko you hate surprises pero hindi kami papayag na hindi i-celebrate ang birthday mo. God bless and we’ll always be here for you,” sabi ng Kapamilya hunk actor.

Mangiyak-ngiyak naman si Liza nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish,  “Sana patuloy pa rin ang success ng Forevermore. Sana umabot ng three years. Sana lagi lang masaya ang lahat.”

“Thank you for always being here for me, for making me happy and thank you sa surprise talaga,” dagdag pa ng sikat na sikat nang dalagita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending