Kris: Kuntento na akong maging Mommy ng 2 anak ko! | Bandera

Kris: Kuntento na akong maging Mommy ng 2 anak ko!

Reggee Bonoan |January 05,2015
facebook
share this

Kris: Kuntento na akong maging Mommy ng 2 anak ko!

Reggee Bonoan - January 05, 2015 - 03:00 AM

kris aquino

NGAYONG araw ang dating ni Kris Aquino at ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby mula sa anim na araw na bakasyon sa Hokkaido, Japan kung saan na-experience nila ang snow.

Bukod sa mga anak ay kasama rin ni Kris ang headwriter niya sa Kris TV na si Darla Sauler at ang kaibigang direktor din ng programa na si Erick Salud.

Matatandaang pagkatapos sana ng Pasko ang lipad ng mag-iina patungong Japan pero iniurong ito ng Queen of All Media para makadalo sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa Japan ang napili ni Kris na magbakasyon dahil gusto raw niyang iparanas sa mga anak ang naranasan niya noong bata pa siya na umuulan ng yelo noong nakatira sila sa Boston, Massachusetts kasama ang pamilya.

Mas pinili ng TV host-actress ang Japan dahil masyado raw malayo ang Boston bukod pa sa wala silang matitirhan doon.
Naka-post sa Instagram account ni Kris noong Biyernes habang bini-video niya ang makapal na yelo na tanaw mula sa kanilang hotel, “Clearer video of the snow falling.

We’re in bed and loving our hotel, comfy beds, perfect level of heat in our room, great wifi, enjoying watching GOTHAM on the room’s Apple TV, just signed in using my Apple ID & we’re now doing a Gotham then arrow marathon.”

Sobrang na-enjoy ni Kris ang pagiging mommy niya sa dalawang anak dahil maski na kasama niya ang mga yaya ay siya pa rin ang nagluluto ng pagkain nila base rin sa post ni Darla sa kanyang IG.

Naka-post din sa IG account ni Kris na habang yakap-yakap ang bunsong anak, “precious bonding, I just keep praying that when Bimb turns 8 years old, we’ll still super malambing to each other and we’ll keep loving each other more and more.

“January 2014 life lesson: nag-uumapaw ang love ni Kuya and Bimb for me, I should treasure that and not look for love that’s not equal to my son’s devotion, understanding and loyalty…seriously, happy na just to be the mom of Kuya Josh and Bimb.

Feeling ko super happy my Mom in heaven and my 4 siblings that I am FINALLY content on my own with my 2 loves.  Siesta kami ni Bimb,” mahabang sabi pa ni Tetay.

Samantala, maski wala sa bansa ang TV host-actress ay nakakarating pa rin sa kanya ang balitang malakas pa rin ang “Feng Shui” at nananatiling nasa number 2 slot ito sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending